Heart
Heart nire-request ni Alden
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - January 12, 2019 - 12:00am

Ang buong akala ng ma­rami ay buntis na uli ngayon ang Kapuso singer-actresss-painter, celebrity endorser at fashion icon na si Heart Evangelista matapos itong magka-miscarriage nung isang taon sa magiging first babies (twins) sana nila ng kanyang mister na si Sen. Chiz Escudero pero hindi pala.

May ginagawa umano itong pelikula sa China.

Naging malapit na kaibigan ni Heart ang kilalang Singaporean book author na si Kevin Kwan na siyang sumulat ng best-selling book na Crazy Rich Asians na ginawang pelikula na all-Asian cast na isang malaking hit.

Dahil kay Kevin, nakadalo si Heart sa 2018 Fashion Week in Paris kung saan napansin ang kanyang stylish na mga kasuotan which was even featured in US fashion magazines and US fashion websites.

Si Kevin din marahil ang dahilan kung bakit kasama si Heart sa follow-up sa hit movie na Crazy Rich Asians which was shown worldwide (kasama ang Pilipinas) last August 2018.

Although hindi pa nire-reveal ang role na ginagampanan ni Heart sa China Rich Girlfriend, tiyak na isa itong important role sa pelikulang pinagbibidahan pa rin nina Constance Wu at Henry Golding at pinamamahalaan pa rin ni Jon Chu. 

Speaking of Heart, isa siya sa mga pangarap na makatambal ng Pambansang Bae na si Alden Richards at hindi ito imposible dahil pareho silang nasa pangangalaga ng GMA Artists Center. Heart will turn 34 on February 14, araw ng mga puso at ang pagdating ng kanyang first Hollywood project ay maituturing na advance birthday gift para sa kanya.

Miss Intercontinental wala  pang nauuwi ang pinay

Hindi pa nasusungkit ng Pilipinas ang Miss Intercontinental crown kaya umaasa ang mga kababayan ng kinatawan ng Pilipinas na si Karen Gallman sa nasabing international beauty competition na makukuha na nito ang korona at titulo sa ika-47th Miss Intercontinental pageant na gaganapin sa Pilipinas sa kauna-unahang pagkakataon.

Ang ika-47th Miss Intercontinental beauty pageant ay sa Japan sana gaganapin pero dahil sa nalalapit na Olympics Games in Japan, walang makuha ang local franchise holder ng Miss Intercontinental Japan (MIJ) na pinamamahalaan ng Filipina businessman who is married to a Japanese national na si Gng. Joanna Leonisa Gimema Miyamae (CEO) at ang kanyang beauty-queen daughter na si Kumi Miyamae na siya namang tumatayong COO.  Si G. Detlef Tursies naman ang CEO ng Miss Intercontinental Organization (MIO). 

HEART EVANGELISTA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with