^
Heart bibida sa China Rich...
Heart

Heart bibida sa China Rich...

SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - January 11, 2019 - 12:00am

May title na ang sinasabing pelikulang sini-shooting ni Heart Evangelista sa China. Ito raw ay base sa libro ni Kevin Kwan na sequel ng Crazy Rich Asians na China Rich Girlfriend na isa ring best seller ayon sa ilang hula-hula.

Isang buwan nga kasing magta-trabaho sa China si Heart na nauna naming nasulat. Pero ayaw niyang magsalita o maging ang mga taong malalapit sa kanya kung anong trabaho ba talaga ang pinagkakaabalahan nito sa naturang bansa.

Kahapon sa kanyang IG account ay nag-update si Heart na “As I take a look at this wonderful city skyline, I take a breath and give thanks for all that has been, all that is, and all that will be. Living every day with a grateful heart,” sabi niya habang nakatingin sa labas ng bintana ng kanyang hotel sa China.

Nga pala, natawa ako sa comment ng ibang followers niya nang punahin nila kung bakit naka-skinny jeans si Sen. Chiz Escudero nang makipag-dinner sila sa Chinese Ambassador to the Philippines.  “Last night’s dinner with the Ambassador of China to the Philippines, His Excellency Zhao Jianhua. Thank you for hosting such a wonderful dinner,” sabi ni Heart.

At nakita sa photo na naka-skinny jeans nga ang mister niyang magtatapos na ang termino sa senado. Mabilis ang followers, tanong agad nila ay kung bakit daw kailangan talagang naka-skinny jeans ang pulitiko.

Kaloka wala ka talagang mapaglagyan sa social media.

CRAZY RICH ASIANS HEART EVANGELISTA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with