Robin & Aljur
Aljur naintindihan kung ano ang biyenan!
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - January 11, 2019 - 12:00am

Nagpakasal noong December 11, 2018 sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica.

Para kay Aljur ay ibang kaligayahan ang kanyang naramdaman mula nang makilala at maging asawa si Kylie. “Masayang-masaya ‘yung puso ko. Kasi simula no’ng nagkakilala kami ni Kylie nagbago lahat. ‘Yung first time na nakita ko siya, ‘yung pangarap ko nagbago rin, nasama na siya. Nadagdagan ‘yung pangarap ko. So nag-ambis­yon ako noon na siya na, nag-ambisyon na rin ako na magkaroon ng sariling pamilya. Looking back nga after ng kasal namin doon namin nakita na kaya pala naming pagdaanan ‘yon. Kasi dito kami dadalhin and it’s all worth it, all worth it,” makahulugang pahayag ni Aljur.

Nagpasya lamang umano na magpakasal ang mag-asawa nang makakita ng ibang mag-asawang nagpakasal na nagsilbing inspirasyon sa kanila. “Nakita ko ‘yung mga wedding ritual. Sabi ko, ‘Ang ganda nito, may basbas ng Diyos.’ Tapos magsasama ang buong pamilya, magkaka­kilala sila. So nag-decide kaming magpakasal. Importante talaga ang kasal,” nakangiting pahayag ni Aljur.

Matatandaang hindi kaagad natanggap ang aktor ng ama ni Kylie na si Robin Padilla noon. Ngayon ay maayos na ang pakikitungo ni Robin kay Aljur bilang isang manugang. “Si Papa Robin naman I respect him as a father, as a man, as an artist. Ngayon kasi hindi ko maintindihan ang pagkakaiba ng father-in-law sa tatay. Ngayon parang tatay ko na rin siya,” kuwento ng aktor.

Kyle inamin ang pagiging special ni Andrea!

Aminado si Kyle Echarri na nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan nina Darren Espanto at Ylona Garcia.

Bahagi ang tatlo ng Potato Squad na tawag sa kanilang barkadahan na napabalitang nabuwag na kamakailan. “Hindi naman po, wala naman po talagang away na away talaga. Disagreement lang po ‘yun,” pagtatapat ni Kyle. “They just stopped talking for a certain reason na hindi ko po masabi. Tapos they weren’t really able to fix it until I tried to make them close again and then no’ng ASAP Sydney po, that’s when they became close again,” dagdag pa ng baguhang aktor.

Itinuturing ni Kyle na si Darrren ang kanyang pinakamalapit na kaibigan sa show business dahil sa katangian nito. “May nahanap po akong trust sa kanya na hindi ko po mahanap sa ibang tao na siya lang po ang meron. I treat him like he’s my family, he’s my brother. When he’s down nando’n ako para sa kanya. Tapos when I’m down he’s there for me,” pagbabahagi ni Kyle.

Samantala, pagda­ting naman sa buhay pag-ibig ay masaya naman daw ang binatilyo ngayon. Espesyal ang turing ni Kyle sa kasamahan sa teleseryeng Kadenang Ginto na si Andrea Brillantes.

Kamakailan ay pinag-usapan sa social media ang mga larawan kung saan makikitang sweet ang dalawa. “She’s a very special friend to me. ‘Yung pamilya niya and my mom, kasi kami ni Andrea sobrang close lang po talaga kami. She’s a very special friend that I care about and I’ll always be there for her if she needs me,” pag-amin ni Kyle.

ALJUR ABRENICA ROBIN PADILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with