Catriona ‘di pinagsusuot ng korona ng Miss U
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - January 10, 2019 - 12:00am

Or baka nabibigatan?

Bakit nga ba walang suot na crown si Miss Universe 2018 Catriona Gray nang magkaroon siya ng TV guestings sa kanilang Media Week sa New York na nagkalat sa social media?

Nang mag-guest kasi si Pia noong 2015, may suot-suot itong Miss U crown.

So asan nga ba ang crown at hindi suot ni Catriona sa kanyang TV guestings?

Tatlong shows na ang nilabasan niya pero sash lang ang suot niya. May isang photo na dala niya pero hindi niya suot, hawak lang ng Pinay queen. Maging nang magbalik-bayan siya pagkapanalo, wala siyang suot na korona. Ang sash ay sinuot lang niya nang paalis na ng Manila.

Bong pinatawad  na ang mga  kaaway, nasa top 9

Napatawad na nga ni former Sen. Bong Revilla ang mga taong umano’y nagpakulong sa kanya sa loob ng 4 years and six months.

Wala na siyang kahit anong bitterness sa nangyari at hinahayaan na lang niya ang Diyos sa mga pinagdaanan niya. “Tinanong ko ang tatay ko, sabi ko kay Daddy, ‘daddy, ano po ang masasabi ninyo sa mga taong nagpahirap sa akin? Sa mga taong nang-api sa akin?’ Alam n’yo ang sabi ng Daddy? ‘Anak, patawarin mo na sila.’ Nung sinabi ng tatay ko ‘yun, alam n’yo, naluha ako.

“Siyempre, hindi n’yo maalis ‘yung galit ko sa dibdib. Ang plastic naman kung sasabihin kong wala, okay lang ‘yun. Four years and six months or six years na nawala sa buhay mo is not a joke.

“Pero narinig ko sa aking ama ‘yun, parang narinig ko na rin ang boses ng Panginoon. Kaya masasabi ko lang, pinatawad ko na rin ‘yung mga taong nang-api sa akin. ‘Yung gumawa ng ganito,” sabi niya kahapon sa meet the press lunch na blow out nina Mother Lily Monteverde and Manay Ichu Maceda.

Nagpapasalamat na lang siya at nalampasan niya ang nasabing panahon sa loob ng Custodial Center ng PNP.

Though nasa adjustment period pa siya pagkalabas, handa na si Bong na sumabak sa kampanya bilang kandidato nga siyang senador kung saan sa latest survey ng Pulse Asia ay nasa no. 9 siya. Nasa top 3 naman sina Sen. Grace Poe, Sen. Cynthia Villar and Sen. Sonny Angara.

At pagkatapos ng election, ang pagbalik naman sa Metro Manila Film Festival ang planong gawin ni Sen. Bong.  

Foreign films umariba na naman sa mga sinehan, tagalog film 2 screenings lang

Iilang MMFF entries na lang ang natitira sa mga sinehan.

Pumasok na ang foreign films at pinipilahan na uli. Maging ang bagong pasok na Tagalog film ay two screenings lang sa isang sinehan sa malaking mall sa QC.

Kasama sa naiwan ang Fantastica at Puliscredibles na nasa top 2. May ilang sinehan pa rin ang Rainbow’s Sunset and the rest ay wala na.

Pero at least naabot na nila ang target na P1 billion nung Linggo pa ayon sa pinadalang official statement ng kaibigang si Noel Ferrer, ang official spokesperson ng MMFF.

Ito nga naman ay sa kabila ng matinding pinagdaanan ng MMFF last year. May bagyo nung bago mag-Pasko at nagmahal ang bayad sa mga sinehan.

Nagpapasalamat si MMDA/MMFF Chair Danilo Lim sa mga tumangkilik ng walong pelikulang kasali.

“As the theaters closed on January 7,  last day of the festival, we have set a new record as the highest grossing  MMFF ever - earning over P1.060 Billion, P10 Million more than the 2015 record of  P 1.050 Billion.

“Next year, we will celebrate the 45th Anniversary of the MMFF coinciding with the celebration of the Centennial of Philippine Cinema.

“We want to continue the partnership and prepare for it early on. We look forward to more significant and groundbreaking entries and activities that would further develop the audiences’ love for Filipino films, develop and discover new talents through the student short films, and maximize exposure and linkages with international festivals.

“Sama-sama nating pagsisikapang mapaunlad pa ang MMFF,” ang kanyang mensahe.

Gossip Boy darating

Whoaa darating pala sa bansa ang actor na si Penn Badgely.

Sumikat siyempre si Penn as Dan sa Gossip Girl at ngayon nga ay napapanood siya sa YOU ng Netflix. Kasama niya pang darating sa bansa ang partner niya sa nasabing palabas na si Shay Mitchell.

Anyway, isa pang popular ngayon sa Netflix ang Bird Box starring Sandra Bullock.

Pero grabe magugulat ka, obvious na may nabago sa face ng Hollywood actress. Parang nagpa-Belo. Hihihi.                                  

CATRIONA GRAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with