kuha sa bahat ni Maris
Bagong bahay ni Maris walang lamesa ng kainan
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - January 10, 2019 - 12:00am

Kakaiba sa ordinary house

Masayang-masaya si Maris Racal dahil bukod sa bagong negosyong restaurant na nasa Davao ay mayroon na ring sariling bahay ang aktres. 

Sa bagong bahay na nakapagdiwang ng Kapaskuhan ang buong pamilya ni Maris. “Nakasama ko ‘yung lola ko po, ‘yung mama at papa ko, ‘yung mga kapatid ko. Talagang pinapunta ko sila. Kasi sabi nila kapag first Christmas at New Year dapat nasa bagong bahay ka po,” bungad ni Maris.

Ayon sa dalaga ay talagang tinutukan niya ang bawat detalye o disenyo ng buong kabahayan. “’Yung theme ng bahay ko, hindi siya ‘yung typical na bahay na may lamesa, ‘yung pang-age ko talaga, ‘yung bar lang ‘yung kinakainan namin, ‘yung counter,” kuwento ni Maris. 

Maraming mga bagong bagay ang natutunan ng aktres dahil sa kanyang mga bagong naipundar. “As in, ‘yung pag-asikaso sa bahay ako lang lahat. Hands-on talaga ako. Ako ‘yung nakikipag-usap sa bangko, pumupunta talaga ako sa bangko, pumipila ako. And then do’n ko lang nalaman ‘yung amilyar. Then nalaman ko na mas mura siya kapag binayaran ng buo sa isang taon,” nakangi­ting pagdedetalye ng aktres.

Moira sabik  sa bubuuing pamilya

Noong Bisperas ng Pasko ay namanhikan ang pamilya ni Jason Marvin Hernandez sa pamilya ni Moira dela Torre. Nakatakdang magpakasal ang magka­sintahan sa January 14 sa Tagaytay. “For formality na lang, I got na their blessings beforehand but apparently kapag pamamanhikan pala my dad is the one asking for Moira’s hand for me,” nakangi­ting pahayag ni Jason.

“Suwerte ang Noche Buenang pamamanhikan,” dagdag naman ni Moira.

Sobrang excited na ang magkasintahan para sa mangyayaring honeymoon pagkatapos ng kanilang pag-iisang-dibdib. “I’m very excited Tito Boy, hindi n’yo po alam kung anong nangyayari sa kotse kapag nagpi-PMS ako. Tapos gusto kong mag-kiss tapos ayaw niya, so naiiyak ako. Dalawang taon na kasi Tito Boy, medyo matagal na ‘yung paghihintay,” pagtatapat ni Moira.

Ngayon pa lamang ay nananabik na rin ang singer sa pagbuo nila ng sariling pamilya ni Jason. “More than the wedding and the honeymoon, recently I’ve just been most excited about the normalcy. You know growing up I was always… if I was home with my mom, I was missing my dad. And if I was home with my dad, I’d be missing my mom. And this is the first time in my entire life where I am home with my family complete because he’s my family now. I’m very excited for the normalcy, for the quiet times we’ll be spending just understanding that we’re not alone, that I’m loved. I’m most excited for that,” makahulugang paliwanag ni Moira.

MARIS RACAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with