^

PSN Showbiz

Leo kauna-unahang Pinoy at LGBT sa Home Deco

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Leo kauna-unahang Pinoy at LGBT sa Home Deco

Ang bongga ng friend nating si Leo Espinosa na cover ng international magazine na Home Deco kung saan siya ang kauna-unahang Pinoy at LGBT cover as Asia Style Arbiter : Projecting Art and Beauty.

At ang pictorial niya walang makakatalo sa sobrang kabonggahan, ibang level sa kanyang beach sanctuary sa Batangas.

Si Leo ang BFF ni Cris Roque at laging kasama sa biyahe, at confidante siya nina Cris at Pat P. Daza. Isa siyang trustworthy person kaya creme de la creme ang circle of friends niya.

Type ko ang confidence niya at keber attitude habang lumalakad siya na suot ang kanyang kaftan, ang stack on jewelry at ang feeling beauty queen walk niya kahit saan magpunta.

Maalaga rin siya sa mga kasama sa biyahe kaya nga siguro ayaw ni Cris kapag hindi siya kasama sa lakad.

Siya rin ang stylist ng mga office/store ng Kamiseta at tuwing pupurihin mo ang Kamiseta Hotel, siya ang papasok sa isip mo dahil siya ang gumawa ng interiors nito na lahat ay namamangha sa ganda.

Congrats Leo.

vuukle comment

ASIA STYLE ARBITER : PROJECTING ART AND BEAUTY

LEO ESPINOSA

LGBT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with