JM
Kahit ‘di pa final, JM emotional sa concert!
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - January 9, 2019 - 12:00am

Sa kauna-unahang pagkakataon ay magkakaroon ng major concert si JM de Guzman. Hindi inakala ng aktor na matutupad ang kanyang pinapangarap lamang noon.

Emosyonal si JM nang malaman na matutuloy na ang kanyang Love Goes On concert sa February 1 na gaganapin sa Music Museum. “Very emotional, habang nagpi-pictorial, naiiyak ako kasi never kong naisip na mangyayari ito,” bungad ni JM.

Kinakailangang pakaabangan ng mga tagahanga ang nasabing concert dahil makakasama rin ni JM ang ilan sa mga pinakamagagaling na singers sa bansa. “Wala pa actually na final na nag-approve pero marami kaming kino-consider na sobrang gagaling na artist. Basta ang masasabi ko lang, this will be directed by Alco Guerrero kaya sobrang magiging malupet ‘to, rock and roll ‘to. Iba ito, hindi siya basta parang gig-gig lang. Ipi-prepare namin ito, I’m so excited. Just go there and try to enjoy. I will promise you that we will give our best,” nakangiting pahayag ng binata.

Bukod sa nasabing concert ay isang bagong album din ang ginawa ni JM sa pamamahala ng One Music Ph. Ayon sa aktor ay matagal na niya itong natapos at hinihintay na lamang na mailunsad.

Isang kanta sa album ay isinulat umano ng magkasintahang sina Moira dela Torre at Jason Marvin Hernandez. “May mga malulupet na artist na nagbigay sa akin like Moira and Jason, binigyan nila ako ng kanta,” pagbabahagi ng aktor.

Nadine matagal nang naisip na gawin ang indak

Hindi na muna magtatambal sa mga pelikula sina Nadine Lustre at James Reid ngayong 2019.

Ginagawa ngayon ng aktres ang Dance movie na Indak kung saan ay katambal nito si Sam Concepcion.

Para kay Nadine ay bagung-bago raw ang konsepto ng nasabing dance movie na si Paul Basinillo ang direktor. “Bagung-bago siya for me. So sayaw naman ito which is what I’m planning for so long with Teacher Georcelle (Dapat-Sy ng G-Force),” paglalahad ni Nadine.

Ngayon lamang din nakapareha ni Sam ang dalaga kaya talagang excited siyang gawin ang nasabing pelikula. “I don’t think itong ganitong klaseng material has been offered in the recent years kaya excited kaming gawin,” maikling pahayag naman ni Sam.

Inaasahang ipalalabas sa mga sinehan ang Indak sa March.

Samanta, lumabas na rin ang teaser ng pelikula ni Nadine na Ulan kung saan ay sina Marco Gumabao, AJ Muhlach at Carlo Aquino naman ang kapareha ng aktres.  

JM DE GUZMAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with