^

PSN Showbiz

Pacman, si Mayweather na talaga ang susunod na kalaban!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Ano ba ‘yan Salve, hanggang ngayon hindi pa kilala ang kalaban ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao na si Adrien Broner.

Hindi siya katulad ni Lucas  Matthysse na guwapo, si Broner, hindi cute.

Talagang mahal lang tayo ni Papa Toby Tiangco kaya tinupad niya ang promise na team Tiangco tayo every fight ni Papa Manny kaya sigurado na rin tayo sa Fight of the Century, ang rematch nina Papa Manny at Floyd  Mayweather, Jr. na mukhang magaganap sa May.

At problema ‘yan dahil sa usapan na natin nina Sandara Park na siya ang tourist guide natin nina Aileen Go ng Megasoft at Elena Budingding sa pagpunta natin sa Korea sa last week of May. Paano na ang sked?

 Traffic na naman ang travel plans natin nina Rose Garcia at Vinia Vivar kaya dapat agahan nina Papa Manny at Mayweather ang fight nila dahil anytime si Jo In-sung pa rin ang choice ko. Hahaha.

Sobrang sweet ni Papa Toby so kailangan, healthy and strong dahil 2019 is a very bright year for all of us.

Bernard iba ang koneksiyon

Naku kahit ano pa ang ipintas nila kay Bernard Cloma, isang bagay ang masasabi ko, ang sarap niya na kasama sa biyahe.

Alaga ka niya kapag magkasama kayo at napatunayan natin ‘yan sa Malaysia. Medyo maingay lang siya pero attentive sa needs mo.

Sure ako give ka niya ng special attention sa Las Vegas dahil friends kayo. Naisip nga niya na dalhan ka ng calendar nina Prince Harry at Meghan Markle nang malaman niya meron kang collection cup ng dalawa.

Saka nakita mo, very thoughtful siya na laging nagtatanong kung ano gusto mo kaya nga for whatever reason, or for whatever it is, take Bernard Cloma hook line and sinker.

Isa siyang character na kilala ng mga people that matter, sina Vice Ganda, Kris Aquino at Jinkee Pacquiao. O may laban ka? Bongga siya day.

vuukle comment

ADRIEN BRONER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with