Ruffa Mae
Rufa Mae walang mapasahan ng pagiging booba!
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - January 8, 2019 - 12:00am

Masayang-masaya si Rufa Mae Quinto dahil naging aktibong muli sa trabaho mula nang lumipat sa ABS-CBN. Regular na napapanood ang aktres sa Home Sweetie Home pero kabi-kabila pa rin ang ginagawang mga proyekto. “Meron kami ni Arci Muñoz (at Pepe Herrera), Jan En Marshan sa ABS-CBN ‘yon. Tapos mayroon din akong gagawin sa Viva Films,”  bungad ni Rufa Mae. 

Umaasa ang aktres na makatrabaho si John Lloyd Cruz sa nasabing sitcom kung sakali mang babalik ang aktor sa trabaho. “Oo naman, hindi naman kami nagkasama in my whole Home Sweetie Home episodes, pero lunch, dinner, gano’n lang. Sa work, wala pa pero siyempre naman nangangrap pa rin ako na makasama ang isang John Lloyd Cruz na talagang mahusay na aktor,” nakangiting pahayag ni Rufa Mae.

 Matatandaang napasikat ng sexy actress ang karakter ni Booba sa kanyang pinagbidahang pelikula noong 2001 na may kaparehong titulo. 

Pinag-usapan at tumabo ito nang husto sa takilya noon. Kanino kaya gustong ipamana ni Rufa Mae ang titulo bilang si Booba sa bagong henerasyon ngayon? “Sino bang Booba ngayon? Walang masyadong nagkalat. Siguro anak ko na lang, my daughter. Kasi wala naman masyadong booba. Pero kung meron, okay lang. Hindi naman maski sino basta may sapat na boobs din beside sa… (utak). Hindi ko naman ipagdadamot hindi naman akin ‘yon,”  natatawang sagot ng aktres. 

Iza at Ben malabo pang makapag-pulot-gata!

Anim na taon nang magkasintahan sina Iza Calzado at Ben Wintle bago pa tuluyang nagpakasal noong December 19, 2018. Labis ang kaligayahan na nararamdaman ng mag-asawa ngayong natupad na ang matagal nilang pinangarap. “I get to see Iza everyday. I know this is a step towards growing our family,” nakangiting pahayag ni Ben. 

“Matagal ko na siyang natagpuan pero ‘yung alam mo na ‘yung kasama mo and ‘yung pagsasama n’yo ay tatagal mula ngayon at kailan man, sobrang sarap sa pakiramdam. Walang makakatinag sa aming pagsasama. Ano man ang mangyari, babalik at babalik kami doon sa mga binitawan naming mga salita noong araw na iyon,” makahulugang dagdag naman ni Iza. 

Sa ngayon ay hindi pa makapag-honeymoon ang bagong kasal dahil abala pa ang aktres sa teleser­yeng Ngayon at Kailanman na magtatapos pa lamang sa susunod na linggo. “We’d love to go to honeymoon but it doesn’t look like there’s gonna be much time to see her,” paglalahad ni Ben.

Para kay Iza ay talagang nagustuhan niya sa asawa ang pagiging maunawain nito sa lahat ng kanyang ginagawa. “ The reason why I fell in love with him is because he’s a good guy. He’s smart, he’s funny. He’s just always there for me,” pagtatapos ni Iza.  

RUFA MAE QUINTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with