^

PSN Showbiz

‘Hindi ko minaliit ang mga saleslady’

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
�Hindi ko minaliit  ang mga saleslady�
Tony

Mea culpa. SORRY. Nagkamali ako Salve na ginawa ko na example ang ‘saleslady’ nang magkomento ako tungkol sa kaso ni Tony Labrusca sa isang post ko sa Instagram.

Sa totoo lang, saleslady ang unang pumasok sa utak ko dahil ‘di ba usually sila ang unang  pinagsusungitan ng mga customer at madalas na sisihin o gawin na dahilan kapag may palpak na nangyari sa tindahan?

Ewan ko kung maniniwala kayo pero noong high school student ako, palagi kong sinasabi na gusto ko,kapag nagkaroon ako ng trabaho,maging salesgirl ako sa Carriedo at kapag na-promote, sana matanggap naman ako na salesgirl sa Escolta.

Noong nag-aaral ako sa V. Mapa High School, nagpupunta kami ng mga kaklase ko sa Carriedo at Escolta sa tuwing naglalakwatsa kami.

Gandang-ganda ako sa mga salesgirl kaya ‘yon ang  naging dream ko dahil kapag bata ka, dalawa lang naman gusto mo na pangarap na trabaho, salesgirl o stewardess.

At dahil bata pa ako noon, practical na parang alam ko, ‘di ko kaya na maging stewardess kaya ang pagiging salesgirl ang pinipili ko.

Actually, nang sabihin ko at i-post na dapat huwag tinatarayan ang mga tao na mas mababa sa’yo ang trabaho, ang madalas na pagsusungit ng mga kostumer sa mga salesgirl ang nasa isip ko.

Hindi ko naisip na mali nang sabihin ko na siyempre,’yon din ang level ng utak dahil usually, ayon sa trabaho ang frame of mind mo.

Kung doktor ka, iba ang abot ng utak mo dahil sa ibang mga bagay above average ka at kapag ito ang trabaho ko, dito ang galaw ng utak ko at dito ako magaling.

Like you see customers na tinatalakan ang isang salesgirl dahil hindi nakuha ang gusto niya sabihin, paano mo itataas ang taste mo sa taste niya eh ito lang ang mundo ko, itong tindahan na ginagalawan ko?

Ayoko ng mga alibi, basta ang alam ko at tanggap ko na mali ako pero hindi ko matatanggap ang maling akala ng iba na minamaliit ko ang mga saleslady.

NEVER ko na gagawin ‘yan. Hindi ako mahilig sa ranking, hindi ko ugali na maliitin ang kahit sino.

Isa akong tao na lumaki sa Sampaloc, nag-aral sa public school at salamat sa Diyos na binigyan ako ng suwerte kaya naabot ko itong kinalalagyan ko.

Hindi rin ako ang tipo ng tao na lalaki ang ulo kahit kailan, pero hindi rin ako pumapayag na maapi.

Hindi nga ako maka-relate sa issue ng bully dahil hindi ko ito pinapayagan. Alam ko kung kailan ako lalaban, alam ko rin kung kailan ako mali.

So SORRY. I will never look down sa propesyon na buong high school ay pinangarap ko. Feeling ko nga, hindi ako matatanggap na salesgirl noon kasi hindi ako maganda. Naku hindi ko pinangarap na dahil sa issue ni Tony, nadamay ako.

Hahaha. Grabe kasi talaga ang bashers.

Cong. Emy nagbigay  ng pag-asa sa mga may sakit na lupus

Hindi sinabi ni Kris Aquino ang form of lupus na meron siya pero sure ako na marami siyang matututunan mula kay Diwa Party-List Representative Emy Aglipay-Villar na number one advocate ng lupus.

Hindi natakot si Mama Emy na aminin ang katotohanan tungkol sa kanyang karamdaman. Ipinagtapat niya sa publiko na may Lupus siya at nagtayo ng foundation, ang Hope for Lupus para matulungan ang ibang mga kababayan natin na kapareho niya ang sakit.

Inspirasyon si Mama Emy ng mga Lupus victim dahil nagbibigay siya ng pag-asa. Naglabas din siya ng libro, ang Living Better with Lupus na available sa mga bookstore.

vuukle comment

TONY LABRUSCA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with