Catriona at Clint
Catriona at Clint, never nagkakatampuhan
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - January 7, 2019 - 12:00am

Mahigit anim na taon nang magkasintahan sina Catriona Gray at Clint Bondad. Para sa binata ay mayroong silang sikreto ng beauty queen kaya napananatiling maayos ang takbo ng kanilang relasyon. “Two secrets, number one is, think of your head when there’s always a low time. And when there’s good, you can think of your heart. Kasi sometimes when there’s low times and you think of your heart, medyo you imagine stuff so just relax and stay rational. Number two is communication talaga, just communication. Just always check on each other, like, ‘How was your day?’” pagbabahagi ni Clint.

Pansamantalang nananatili ngayon sa New York si Catriona upang magampanan ang mga tungkulin bilang pinakabagong Miss Universe. Kampante umano si Clint sa kanilang relasyon ng dalaga kahit na madalas silang hindi magkasama. “That’s the beauty of love di ba, na dapat all the time. Ako naman, I’m very honest all the time. You cannot break apart if you’re worrying too much,” giit ni Clint.

Bihira lamang din magkaroon ng tampuhan ang magkasintahan ayon sa binata. “Wala masyado actually. We always talked it out very much. The funny thing is Catriona is very innocent, very family-centered, completely opposite of me actually. Sensitibo kasi ako minsan eh, pero siya when something comes up and then she just forgets about it. So we never really had arguments. I think she’s the best person one can wish for. Kasi she’s very self-motivated,” nakangiting pahayag ni Clint.

MCLISSE, kinapos sa label ang naudlot na relasyon

Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sina Elisse Joson at McCoy de Leon habang ginagawa ang pelikulang Sakaling Maging Tayo. Dahil sa pangyayari ay nahirapan ang magkatambal na tapusin ang nasabing proyekto. “May hindi kami pagkakaintindihan noon ni McCoy during shooting. Kapag isinapuso at isinaisip namin na kailangan natin itong i-set aside, kailangan magbigay nang maayos, nagagawa. Ang daming pinagdaanan ng pelikulang ito. Thankful kami kay direk (JP Habac) and everyone behind it. Kasi naging patient sila sa ‘min. Sobrang ups and downs no’ng natapos ‘yung film,” pagbabahagi ni Elisse.

Matagal-tagal ding hindi nakapagtambal ang dalawa sa telebisyon at ngayon lamang magkakasama sa isang pelikula. Matatandaang nagkanya-kanyang mga proyekto sina Elisse at McCoy kaya hindi na nagkatambal noong isang taon. Ayon sa aktres ay kakaibang istilo ng panliligaw ang ginawa ni McCoy noon. “May iba-iba kasing ways ng panliligaw, sa kanyang sariling paraan, meron siyang ibang paraan,” nakangiting pahayag ni Elisse.

Para naman kay McCoy ay halos humantong na ang kanilang relasyon ng dalaga bilang magkasintahan. “’Yung nangyari sa ‘min parang naging kami na rin eh. ‘Yung ginagawa namin, paano kami mag-usap, so ‘yung nga kulang na lang ‘yung label,” makahulugang pahayag ni McCoy.

CATRIONA GRAY CLINT BONDAD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with