Jose
Jose, boto kay Arjo para kay Maine
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - January 6, 2019 - 12:00am

Ilang linggo nang napababalitang nagkakamabutihan na umano sina Maine Mendoza at Arjo Atayde. Unang nagkatrabaho ang dalawa sa Metro Manila Film Festival 2018 entry na Jack Em Popoy: The Puliscredibles. Mula noong isang taon ay madalas na raw na nakikitang magkasama sina Maine at Arjo.

Hindi pa man kumpirmadong may espesyal nang ugnayan ay nakikita naman daw ni Jose Manalo na palaging masaya si Maine. “Masaya, ‘yung batang ‘yon masayahin naman talaga. Di mo makikitang nagmumukmok ‘yon. Tatahimik lang ‘yon ‘pag mini-make-up-an. Pero kalog ‘yon, loko-loko rin ‘yung batang ‘yon,” bungad ni Jose.

Hindi naman daw tinatanong ng komedyante si Maine tungkol sa kanila ni Arjo. Kung sakali ay boto naman si Jose kay Arjo para kay Maine. “Kahit sino naman basta masaya si Menggay okay naman sa ‘min. Sana naman maging okay. Kasi si Maine naman mabait naman ‘yang bata na ‘yan. Si Arjo naman mukhang okay din. Sana maging okay lang, tapos tibayan lang nila. Alam mo namang sa showbiz maraming intriga. Kumbaga nakikita naman naming masaya. Sila ba?” makahulugang pahayag ni Jose.

KZ at Epi may pelikula rin

Napahanga si Epi Quizon sa pagiging magaling na aktor ni Jose Manalo sa pelikulang Boy Tokwa: Lodi Ng ‘Gapo na mapapanood na sa mga sinehan simu­la sa Miyerkules.

Pinagbibidahan ni Jose ang nasabing proyekto na hango sa tunay na buhay ni Rodrigo Morelos na isang Chinese conman. “Actually it was fun. Isa ‘yon sa kung bakit tinanggap ko ‘tong project na ‘to. Kasi alam kong masaya ang shooting. I’m proud because there’s an amazing lead. It was good. Amazingly, you’ll see a diffe­rent Jose Manalo in this film. I saw it, saludo ako sa ginawa ni Jose sa pelikulang ito,” nakangiting pahayag ni Epi.

Samantala, makakasama rin ng aktor sa kauna-unahang pagkakataon si KZ Tandingan sa isang bagong pelikula. Para kay Epi ay hindi lamang isang magaling na singer ang dalaga kundi magaling din bilang aktres. “I’m filming a movie right now with KZ. It’s called The Art of Ligaw. It’s going to be out hopefully this year. You’ll be amazed, I think KZ will show you a full circle in this film. Well, it speaks for itself, The Art of Ligaw so it’s about courtship. The two meaning of the word ligaw, one which means courtship and one meaning getting lost to find yourself,” pagbabahagi ni Epi.

JOSE MANALO MAINE MENDOZA AND ARJO ATAYDE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with