Yam
Dyowa ni Yam walang malay sa kanyang pinaggagawa!
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - January 5, 2019 - 12:00am

Maraming mga oportunidad ang dumating kay Yam Concepcion mula nang maging isa sa mga bida ng teleseryeng Halik. Kasamahang bida ng aktres sa serye sina Jericho Rosales, Yen Santos at Sam Milby.

Sumikat ang karakter ni Yam sa pinag-uusapang serye at kinaiinisan ito ng mga manonood tuwing gabi. “It opened door for me for endorsements. Also naging cover ako ng Preview Magazine na sobrang ganda kasi, sumakto ‘yung animal skin na suot ko. Ang tawag kasi sa akin ‘Jade Ahas’. So sumakto talaga ang snake skin. Sobra-sobrang pagbabago, it opened so many doors for me,” nakangiting pahayag ni Yam. Isang pelikula rin ang nakatakdang gawin ng dalaga ngayong 2019.

Para kay Yam ay malaki ang naitulong sa kanyang pagsikat ng nasabing serye. “I might do a movie this January start na kami mag-shoot under Viva (Films). Definitely that’s something to look forward to this year. I’m so happy and blessed because of Halik,” dag­dag pa ng aktres. 

Samantala, hanggang ngayon ay hindi pa raw alam ng kasintahan ni Yam na nakabase ngayon sa ibang bansa ang kanyang kontrobersyal na karakter sa Halik. “Naku! He doesn’t know about this yet. I don’t know how he will find out, we’ll see,” natatawang pagtatapos ni Yam.

Grae target maging first girlfriend si Chantal

Inamin ng anak ni Mark Anthony Fernandez na si Grae Fernandez na espesyal sa buhay niya ngayon si Chantal Videla. Nagkasama sina Grae at Chantal sa pelikulang Spirits Reawaken na gawa ni direk Chito Roño. 

Mapapanood sa IWant ang nasabing horror film. 

“I think she’s a very special person in my life,” pagtatapat ni Grae. 

Hindi pa nagkakaroon ng kasintahan ang binata kaya gusto raw nitong si Chantal ang maging una niyang nobya. “She’s a very kind person talaga. Makikita mo talaga how genuine of a person she is talaga. Makikita mo in everything she does, sobrang totoo talaga siya. Binibi­gay niya lahat ng mga capabilities niya sa lahat ng gusto niyang gawin at gusto niyang mara­ting,” makahulugang pagbabahagi ni Grae. 

Ayon pa sa aktor ay marami silang pagkakapareho ni Chantal sa pag-uugali. “Nakikita ko ang sarili ko sa kanya, parang gano’n ako. Kapag may gusto akong mangyari gagawin ko lahat para mangyari ‘yung bagay na ‘yon,”pagbabahagi ni Grae.

 

YAM CONCEPCION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with