Annabelle Rama kasama na sa isasaling pelikula ni Vice sa MMFF 2019
Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - January 4, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Walang kapaguran si tita Annabelle Rama sa panonood ng pelikulang Fantastica.

 

Yup, kagabi nang maka-tsika namin siya sandali sa isang instant dinner with friends, kinuwento niyang na-6x na niyang napanood ito at nagbabalak pa silang magpa-block screening.

At tuwing manonood siya, natatawa raw talaga siya.

‘Comeback’ movie ni Richard Gutierrez ang Fantastica ni Vice Ganda na common knowledge na nangunguna sa ginaganap ng MMFF.

Kuwento pa ni tita Annabelle, wala siyang ibang pinanood na pelikula na kalaban ng Fantastica.

Nahihiya nga raw siya kay Mother Lily Monteverde na lagi siyang ini-engganyo na manood ng One Great Love starring Kim Chiu and Dennis Trillo na official entry ng Regal Films sa MMFF.

Pero imbes na ma-convince, si Mother Lily pa ang inaalok niyang ilibre niya sa sine para manood ng Fantastica. Hahaha.

At siyanga pala, malamang na sa 2019 MMFF movie ni Vice Ganda, siya naman ang makasama nito. Yup, as in may informal offer na raw na naganap pero siyempre ayaw naman niyang mag-expect bilang baka raw hindi naman siya makatagal sa shooting. Pero kung matutuloy, siguradong mag-e-enjoy lahat.

Ngayon daw kasi ay naghahanda na si Vice ng pelikulang isasali niya sa MMFF 2019.

ANNABELLE RAMA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with