^

PSN Showbiz

Pokwang super hero ang tingin sa anak

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Pokwang super hero  ang tingin sa anak
Pokwang at Malia

Sa January 18 ay mag-iisang taong gulang na ang anak nina Pokwang at Lee O’Brian na si Malia. Todong-paghahanda na raw ang ginagawa ngayon ni Pokwang para sa kauna-unahang birthday party ni Malia. “Siyempre paghahandaan ko naman. Hindi naman gano’n kabongga, siyempre may party. Excited ako kasi bukod sa mga friends, ninongs and ninangs, may isa pa kaming selebrasyon. May napili kaming isang bahay ampunan, mag-share, bata pa lang turuan na namin na mag-share,” nakangiting pagbabahagi ni Pokwang.

Ayon sa aktres ay super hero ang napili nilang tema para sa party ni Malia at gaganapin ito sa isang event place sa Quezon City. “Wonder Woman (ang theme), kasi ang cute-cute niya, parang siya ang super hero sa buhay namin dahil nailigtas niya ang kalungkutan sa bahay namin,” paliwanag ni Pokwang.

Samantala, ngayong taon ay muling magiging abala ang aktres sa pelikula at telebisyon. Matatandaang pansamantalang nagpahinga si Pokwang sa trabaho mula nang magbuntis at ipanganak si Malia. “Meron na tayong mga naka-line-up na teleserye, movie meron,” pagtatapos niya.

Bela todo research sa bagong sinusulat na script

May bagong movie script na isinusulat si Bela Padilla para sa isang bagong proyekto ng Star Cinema. “I was commissioned to write it and they told me who they had in mind. Pero nothing was set in stone yet no’ng pinasulat sa akin. Pero they told me, ‘More or less ito ‘yung dalawang artista na gusto namin.’ Finished na and parang nasa pre-production process na siya for Star Cinema. There are already actors casted. It’s a different love story. Hindi ko pa alam kung pwede na magsabi. I won’t act in it. I will be just behind the scenes,” nakangi­ting kwento ni Bela.
Matatandaang ang aktres din ang sumulat ng script para sa mga pelikulang 10,000 Hours and Luck at First Sight noong isang taon.

Para kay Bela ay isang malaking hamon ang kanyang nararamdaman sa tuwing gumagawa ng istorya para sa isang pelikula. “They gave me a concept and I had the freedom to play around with it. So binigyan lang ako ng idea ng dalawang cha­racters kung anong trabaho nila, kung sino sila sa mundo at kung saan sila u­nang nagkita. After that pinaglaro na nila ako and I had so much fun. I’m so excited,” pagdedetalye ng dalaga.

“This one took me a while to write kasi the story will cover 18 years. It’s an 18-year relationship it starts in 2001 and ends in 2019. So medyo nag-research ako about that. I was super invested in writing this new script,” dagdag pa ng aktres.

vuukle comment

POKWANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with