Liz nailalantad na ang tatay ng anak
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - January 3, 2019 - 12:00am

It was in March last year nang ipakilala ng fashion stylist na si Liz Uy ang kanyang baby na si Xavi sa publiko.  Si Xavi ay anak ni Liz sa negosyanteng si Raymond Racaza na ang ex-wife ay si Dra. Geraldine `Ging’ Zamora-Racaza.

Ang kaibigan ni Liz na si Isabelle Daza ang nagpakilala kina Liz at Raymond nung 2016 and months later ay nagkaroon na ng relasyon ang dalawa.

In May 2017 ay nag-file ng annulment ng kanilang kasal ni Ging si Raymond at ito’y naaprubahan in January 2018.

Si Raymond ay may isang anak na babae sa kanyang ex-wife na si Ging.

Si Liz ay na-link noon sa actor na si John Lloyd Cruz at kay dating Pangulong Noynoy Aquino.

Richard Merk kailangan pa rin ng panalangin

Bago nagtapos ang taong 2018 ay isinugod sa ICU ng Medical City ang jazz singer na si Richard Merk at ito’y aming nalaman sa pamamagitan ng post sa Facebook ng nakababatang kapatid ni Richard, ang dating beauty queen, singer at actress na si Rachel Anne Wolfe na naka-base na sa New York, USA with her own family.

Sa pangalawang post ni Rachel sa kanyang FB ay ibinalita niyang out na sa ICU si Richard at stable na umano ang lagay nito pero patuloy pa ring nakikipaglaban sa kanyang sakit.

Bukod kay Richard, his mom, Queen of Jazz Annie Brazil is also fighting for her dear life ganun din ang misis niyang si Roni Tapia-Merk na patuloy na nakikipaglaban sa sakit nitong cancer.

Ang amin pong panalangin na sana’y gumaling at malagpasan ni Richard at ng kanyang asawang si Roni gayundin si Tita Annie ang kanilang kinakaharap na pagsubok.

LIZ UY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with