^

PSN Showbiz

Parang sa award lang Kim ayaw umasa sa pagmamahal!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Parang sa award lang Kim ayaw umasa sa pagmamahal!

Hindi man nanalo ay masaya naman si Kim Chiu sa pagkaka-nominate bilang Best Actress sa nakaraang Metro Manila Film Festival 2018 Awards Night para sa pelikulang One Great Love. Katambal ng dalaga sa nasabing proyekto sina Dennis Trillo na siyang nanalo bilang Best Actor at JC de Vera na isa rin sa nominado bilang Best Supporting Actor.

 

Para kay Kim ay hindi niya inasahan na mapapabilang sa nominees para sa nasabing parangal. “Wala akong inaasahan na kahit na ano. Gusto ko lang na mapanood ito ng mga tao. Kasi tinanggap ko itong pelikulang ito kasi gusto ko mang iba. At saka ang dami namin and gusto ko isa ito para makita nila ‘yung pinaghirapan ko. Lahat kami naghirap sa performance pero para masabi nila na, ‘Gusto ko makita ‘yung ibang Kim, ibang kuwento,’” nakangiting pahayag ni Kim.

Hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon na naging nominated ang aktres sa MMFF at itinuturing pa rin niya itong isang malaking karangalan bilang isang artista. “Ay! Grabe ‘yon. Maging nominado ay sobrang saya na ako. Dati no’ng na-nominate din ako sa All You Need is Pag-ibig, Supporting Actress, iba pala ‘yung pakiramdam na gano’n, na ma-nominate ka at ma-appreciate ka. Wala, ayokong umaasa. Ang hirap umasa lalo na sa pagmamahal. May mga gano’n, kaya ayoko talaga. Gusto ko lang mapanood nila ‘yung pelikula at masabi nila pagkatapos na, ‘Ay iba nga si Kim.’ ‘Yung gano’n lang,” paliwanag ng aktres.

Ricci consistent sa paghanga sa Kathniel

Aminado si Ricci Rivero na matagal na nitong gustong subukang pasukin ang show business bilang isang artista. Hindi lamang daw nakitaan ng baguhang aktor noon kung paano niya ito gagawin. “I was thinking of it pero ever since parang wala akong nakikitang path para mag-enter ng showbiz,” nakangiting bungad ni Ricci.

Ayon sa athlete ay certified KathNiel fan siya kaya noon pa niya pinapanood ang mga proyektong pinagtatambalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. “Princess and I, La Luna Sangre, Must Be Love, The Hows of Us,” pagdedetalye ng binata.

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto ni Ricci na makatrabaho ang KathNiel sa isang proyekto. Hindi raw papayag ang aktor na siya ang magiging third party sa relasyon nina Kathryn at Daniel sa mga proyekto.  “Yes, pero kung fan ka talaga ng dalawa ayaw mong may someone in between,” makahulugang paliwanag ni Ricci.

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with