Kim
Jericho at Kim, hindi pa kakayanin na magkaanak
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - January 1, 2019 - 12:00am

Wala pa ring planong mag­karoon ng anak sina Jericho Rosales at Kim Jones ngayong 2019. Mag­­lilimang taon nang kasal ang mag-asa­wa pero hindi pa rin nagkakaroon ng supling. “Wala pa sa plano namin. Lagi kaming nag-uusap about it and na-realize lang namin na we’re not ready. There are very good reasons. Lumilipad siya every two, three weeks, ako naman umuuwi ako madaling araw. When we have time, we just spend it together, we enjoy. Parang feeling namin as a married couple, ang dami pa naming kailangang pag-aralan sa isa’t isa para mag-grow pa kami as a couple. We’re not really rushing. Ang dami naming pamangkin na nandiyan,” pagbabahagi ni Jericho. 

Ayon pa sa aktor ay nasasaksihan nila ni Kim kung gaano kahirap ang buhay bilang mga magulang sa mga kaibigan. “It’s really difficult, nakikita namin ‘yung mga kaibigan namin na may mga anak sila, full time. Alam namin na hindi namin kakayanin. Hindi naman kami ‘yung mahihirapan eh, ‘yung baby naman eh. Kapag walang time ‘yung baby ang kawawa. We have a lot of things to accomplish. Ayaw na ayaw namin ‘yung putting pressure in to the relationship. Hindi naman kami nagmamadali,” pa­liwanag ni Jericho.

Matapos koronahan si Catriona, dyowang si Clint kaliwa’t kanan ang TV guesting 

Kabi-kabila ang guesting ngayon ng kasin­tahan ni Catriona Gray na si Clint Bondad mula nang manalo ang dalaga bilang Miss Universe 2018 kamakailan. 

Ayon kay Clint ay ramdam niya ang pagod ng beauty queen pagkatapos ng kompetisyon. “Mainly, napagod siya,” bungad ni Clint. Abala na rin si Catriona ngayon sa paghahanda sa kanyang mga tungkulin bilang pinakabagong Miss Universe kaya hirap makapagplano ang magkasintahan. “Every twenty minutes may bagong plano,” pagtatapat ng binata. 

Gayunpaman ay alam na alam ni Clint na magagampanan ni Catriona ang mga bagong tungkulin. “For sure she is prepared,” giit ng binata. 

Mahigit anim na taon nang magkasintahan sina Catriona at Clint pero hindi pa napag-uusapan ang tungkol sa pagpapakasal. “Focus is career muna talaga. 20’s, 30’s basta trabaho is separate from our personal lives,” nakangiting pahayag ni Clint. 

JERICHO ROSALES KIM JONES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with