Eugenio Lopez III, tinanghal na Media Persona of Excellence
Eugenio Lopez III, tinanghal na Media Persona of Excellence
(Pilipino Star Ngayon) - December 23, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kinilala ng mga mag-aaral at guro ng mga kurso sa larangan ng business ang ABS-CBN sa kontribusyon nito sa industriya ng media at entertainment sa ginanap na COMGUILD Academe’s Awards kamakailan lang.

Nanguna sa mga pinaranga­lan ang ABS-CBN chairman eme­r­itus na si Eugenio “Gabby” Lo­pez III, na itinuring na Media Persona of Excellence para sa kanyang mga sinimulan sa in­dus­­triya at sa pagiging isang lider sa media sa bansa.

Umani rin ng tropeo si Karen Davila na tinanghal na Best En­trepreneurial/Business Show Host habang ang programa niyang My Puhunan ang nanalong Best Entrepreneurial/Business Show. Nagwagi rin ang mga host ng Magandang Buhay na sina Melai Cantiveros, Jolina Magdangal, at Karla Estrada bilang Advertisers’ Friendly Mor­ning Show Hosts, habang ang It’s Showtime  host na si Vhong Navarro ang nanalong Advertisers’ Friendly Male Host.

Samantala, panalo rin ang bida ng Halik na si Jericho Rosales bilang Male Endorser of the Year, ang bida ng Ngayon at Kailanman na si Jo­shua Garcia bilang Most Loved Male Endorser, at sina Maymay Entrata at Edward Barber bilang Advertisers’ Most Admired Loveteam.

Ang COMGUILD Academe’s Choice Awards ay isinagawa noong ika-sampung Conference of Advertising, Marketing, and Business Administration Students of the Philippines, at kumikilala sa makabuluhang kontribusyon ng mga endorser, programa, at artista sa larangan ng entrepreneurship, business, marketing, at advertising. Pinagbotohan ang mga nanalo ng mga propesor at mag-aaral mula sa iba’t ibang kolehiyo at unibersidad sa buong Pilipinas.

Noong Oktubre, siyam sa mga programa at journalist ng ABS-CBN ang pinarangalan din sa galing nila sa broadcast journalism noong 2018 COMGUILD Media and Technology Students Conference. 

ABS-CBN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with