Kiko
Kiko napigilang lumundag sa dos
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - December 22, 2018 - 12:00am

Narinig namin sa ilang taga-GMA 7 na hindi raw natuloy ang paglipat ni Kiko Estrada sa ABS-CBN.

As of presstime, wala pa ring sagot sa amin ang manager ni Kiko na si Arnold Vegafria kung ano na ba talaga ang status ng Kapuso actor.

Nung nakausap namin si Kiko sa nakaraang Christmas party ng Regal Films, parang feel na feel pa na niya ang pagiging Kapamilya.

Binati pa siya ni Jerome Ponce na wini-welcome back na siya sa Kapamilya network, pero ayaw naman kumpirmahin ng aktor.

Nandun din ang rumored girlfriend niyang si Devon Seron na lumipat na sa GMA 7, at sinabi niyang malabo na silang magkatrabaho sa programa.  Sabi lang ni Devon; “Hopefully next year, magkatrabaho kami sa movie.”

Suportado naman daw niya kung ano ang plano ni Kiko sa kanyang career.

So far, wala pa kaming nakukuhang statement mula sa executives ng GMA 7 kung mananatiling Kapuso ba si Kiko.

Ang narinig lang namin, tapos na ang kontrata niya sa GMA 7 pero siyempre may grace period pa yan at yung tinatawag nilang ‘first option to renew’.

Ang pagkakaalam namin, hindi pa tapos ang kontrata niya sa GMA Artists Center dahil co-managed ito kay Arnold Vegafria ng ALV Talent Circuit.

Malalaman din natin yan kung bahagi pa rin ba si Kiko sa bagong teleserye ng ABS-CBN 2 na Kapalaran.

Fantastica mangunguna sa parada

Nagbunutan na ang mga representative ng mga pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival para sa order ng parada na gagawin sa Parañaque bukas ng hapon.

Mauuna ang float ng pelikulang Fantastica nina Vice Ganda, Dingdong Dantes at Richard Gutierrez. Susundan ito ng Otlum nina Ricci Rivero at Jerome Ponce, pangatlo ang Aurora ni Anne Curtis, sunod ang Rainbow’s Sunset nina Eddie Garcia at Gloria Romero, ang Mary, Marry Me ng magkapatid na Toni at Alex Gonzaga, susundan ng The Girl In The Orange Dress nina Jericho Rosales at Jessy Mendiola, sunod ang inaabangang Jack Em Popoy The Puliscredibles nina Vic Sotto, Coco Martin at Maine Mendoza, at panghuli ang One Great Love nina Kim Chiu at Dennis Trillo.

Inaasahang magpapabonggahan ng float dahil may cash pize 100 thousand pesos ang magwawaging Best Float.

Sen. Villar lumalaki na ang pagawaan ng plastic school chairs

Nilinaw ni Sen. Cynthia Villar na hindi sa kanila kinukuha ang mga plastic school chairs na pinamimigay ng Eat Bulaga.

Patuloy kasi ang pag-manufacture ng mga plastic school chairs na sinimulan ni Sen. Cynthia sa Las Piñas.

Ito palang mina-manufacture nilang plastic school chairs na ipinamimigay sa mga public school ay mula sa mga recycled plastic material na iniipon nila mula sa basura.

Nagsimula silang magtayo ng pagawaan sa Las Piñas, at meron na rin sa Iloilo para sa Visayas at sa Cagayan de Oro sa Mindanao.

“We have three factories. One in Las Piñas for Luzon, another one in Iloilo for the Visayas, and another one in Cagayan de Oro for Mindanao. Kasi mahirap po i-transport sa Visayas Mindanao, so we build factories in those areas para dun na lang manggaling ang ipamimigay namin,” pahayag ni Sen. Villar.

Itong mga school chairs daw na pinamimigay ng Eat Bulaga ay mula naman sa mga naibentang plastic bottles na naipon sa naturang programa.

Binibili iyun ng junk shops na ini-export sa China para gamitin sa ginagawang damit.

Willing naman daw silang magbigay ng school chairs sa Eat Bulaga, pero iba raw kasi ang klase nung binibiling plastic school chairs para ipamigay sa mga public school.

“Maganda naman yung model ng Eat Bulaga. Ours is different. Hindi yan ang raw material namin. We convert them into school chairs and give away to public schools.

“Kami gumagawa. Sila kumokolekta sila, at bini­bili nila ng plastic chairs at iyun ang binibigay nila sa public schools,” saad ni Sen. Villar.

Si Noli Boy de Castro raw isa sa binibigyan nila ng plastic school chairs na ipinamimigay din sa iba’t ibang paaralan ng bansa.

“Ang magandang contribution nito merong pinagdadalhan yung waste plastic na very bad for environment and at the same time, nakikinabang pa yung schools kasi may libre silang school chairs,” sabi pa ni Sen. Villar.

KIKO ESTRADA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with