^

PSN Showbiz

Karylle pagsasabayin ang trabaho at bakasyon sa Indonesia

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Karylle pagsasabayin ang trabaho at bakasyon sa Indonesia
Karylle

Nakatakdang magbakasyon si Karylle sa Indonesia ngayong Kapaskuhan. Pupunta ang singer sa bansa para mag-promote ng It’s Christmas Time single kasama ang Indonesian singer na si Calvin Jeremy. “We will be going to Indonesia this Christmas, and we will promote there and we will do our Christmas vacation after that,” nakangiting bungad ni Karylle.

Samantala, naibahagi ng singer kung ano ang pinagkaabalahan ng inang si Zsa Zsa Padilla noong mga panahong hindi pa napapanood sa ASAP Natin ‘To ang Divine Diva. Noong nakaraang Linggo pa lamang bumalik ang singer sa bagong format ng programa. “Actually siya nga ang nagsu-support sa akin eh. Hindi ko naman naisip na may problem or anything. Wala naman, kasi she’s okay, she just came from Cebu. She did like a crash course on farming. She’s been into it since the whole of last year,” kuwento ni Karylle.

May nakahandang regalo na rin ang It’s Showtime host para kay Zsa Zsa ngayong Pasko. “Kay mama, it’s usually Christmas pajamas,” nakangiting pahayag ni Karylle.

Direktor ng Darna marami pang babaguhin

Maraming kailangang baguhin si Jerrold Tarog para sa pelikulang Darna na pinagbibidahan ni Liza Soberano. Matatandaang si Erik Matti ang nagsimula ng proyekto na pinalitan ni direk Jerrold kamakailan. “Kasi kailangan kong ulitin ‘yung script na trinabaho nina direk Erik Matti. So nandun ako sa stage ngayon na kailangan ko siyang i-rewrite. Nagte-take off ako doon sa draft nila. So mula doon, kaila­ngan kong mag-research nang konti so medyo may reset ng konti,” pag­babahagi ni direk Jerrold.

Nais lamang umano ng direktor na magustuhan ng mga manonood ang bagong Darna na kanyang gagawin. “Ang treatment ko sa kanya mas grounder na character siya. So para siyang Darna na lang na nag-exist siya na parang normal lang na tao na ‘yung experience niya a lot of people can relate to,” giit ng direktor.

Magkakaroon ng mga karag­dagang elemento rin sa costumes na gagamitin ng mga karakter sa pelikula. “Yes, may mga gagawin pa kami na additional for the costumes. Mas praktikal basta, kasi mayroong design na ginawa ‘yung previous team eh medyo iba ‘yung gusto kong direksyon,” paglalahad ni direk Jerrold.

Sa ngayon ay hindi pa rin nagkikita at nagkakausap ang direktor at ang bida ng pelikula. “’Pag na-meet ko siya, doon ko pa lang masasabi ang expectations ko. Pero naniwala si Direk Matti kay Liza so faith niya. I’m sure worth it ‘yung faith na ‘yon so I’m looking forward to work with her,” pagtatapos niya.

KARYLLE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with