^

PSN Showbiz

Aktres tinatakan na ng maldita, parang wala nang ginawang tama sa buhay!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Umaani ng kanegahan sa social media ngayon ang isang female perso­nality na parang paboritong gawing target ng mga netizen. Parang wala siyang nagagawang maganda at tama para sa mga ito.

Konting post lang ng sexy at magandang babaeng personalidad ay umaalsa na agad ang puwet ng mga talagang ayaw sa kanya.

May kuwento ang aming source tungkol sa female personality, ang kanyang sabi, “Nagsimula rin kasi sa kanegahang image ang babaeng ito. Remember, nu’ng baguhan pa lang siya?

“Wala siyang ka-PR-PR! Nilalampas-lampasan lang niya ang mga reporter kahit ilang beses na siyang naiinterbyu, wala siyang keber!

“Kailangan pang may magpaalala sa kanya na mga reporter ang grupong basta dinaanan lang niya. Saka lang siya babalik, ngingiti sa grupo, saka lang siya magbibigay-pugay.

“Nu’n pa man, e, nega na ang image niya. Bagito pa lang siya nu’n sa pag-aartista, pero meron na siyang attitude, sa totoo lang. Feeling niya, e, sikat na sikat na siya kahit wala pa naman siyang napapatunayan,” pag-alala ng aming impormante.

Nakaapekto ‘yun sa kanyang imahe. Mula nu’n ay palagi na siyang bumibida sa mga blind items, inilalarawan siyang maldita wala pa namang naipapakitang pruweba, bitbit niya ‘yun hanggang ngayon.

Patuloy ng aming source, “Pagkatapos, naging kare­lasyon niya ang isang magaling na aktor, siya na naman ang pinagbintangang dahilan kung bakit nal­igaw ng landas ‘yung male personality!

“Hindi naman siya ang dapat sisihin dahil hindi naman siya ang gumawa at nagbisyo, pero siya pa rin ang sinisisi ng marami. Siya na naman ang nega, siya na naman ang may kasalanan!

“Nakakaawa na nga siya, parang wala na siyang nagagawang tama sa buhay niya, samantalang sinisikap niya namang maging maayos ang career niya.

“Nakakita siya ngayon ng tagapagtanggol, nega na naman ‘yun para sa iba, dahil siya raw ang dahilan kung bakit nawiwiling makisawsaw ang karelasyon niya sa kung anu-anong issue!

“Naku, maligo kaya muna siya sa pulot para mawala ang kanegahan niya? Nakakaawa na kasi siya, may magaganda naman siyang nagagawa, pero care bears pa rin sa kanya ang mga bashers!

“Sayang, maging kasingliwanag na rin sana ng kulay orange ang image niya, nakakaawa naman ang girl, sa totoo lang!” pagtatagpos ng aming source.

Ubos!

Writer ng gma na nag-alipusta kay Regine suki sa peryahan

Umuusok ang galit ng mga tagahanga ng Asia’s Songbird sa laiterang writer ng GMA-7 na si Suzette Doctolero. Ang buong-ningning ka­sing post nito, “Lalong bumagsak ang Asaperya ng (sic) lumipat ang ingratang @reginevalcasid.”

Sa mga nababasa naming credits ng mga prog­rama ng Siyete ay nandu’n ang pangalan ni Suzette Doctolero bilang tagapamuno ng mga scriptwriter ng kanilang network.

Pero nu’ng una naming nabasa ang kanyang post ay natawa kami. Kailangang i-edit ang kanyang post, naturingan itong lider-lideran ng kanyang grupo, pero ni hindi nga nito alam gamitin nang tama ang ng na maigsi at nang na mahaba.

Manglalait na rin lang ang babaeng ito ay hindi pa itinama ang kanyang sandata. Ganu’n na lang kung makaariba sa pamimintas ang Doctolerong ito pero ka-edit-edit naman ang kanyang mga pamimintas.

Natural, pinupog si Suzette ng mga tagasuporta ni Regine Velasquez. Pati tuloy ang katapat na musical variety show ng ASAP Natin ‘To ay nadamay dahil sa atake ng laiterang writer ng GMA-7.

Perya? Aysus, kung kasing ganda naman ng ASAP Natin ‘To ang palabas sa isang peryahan ay baka mapuno na ang lugar, hindi na mag-aalisan ang manonood dahil bukod sa magagaling nang performers ang nandu’n ay puro sikat pa.

Sanay na sanay sigurong mamasyal sa peryahan ang Suzette na ito kung saan merong babaeng kumakain ng buhay na manok, may ipinaglihi kuno sa sirena kaya hindi makatayo at palagi lang nakababad sa mababaw lang namang tubig, du’n nababagay itong si Suzette Doctolero dahil hindi ito marunong magpahalaga sa isang palabas na puwedeng makipagsabayan maging sa mga banyagang palabas.

Ewan kung bakit hindi masupil ng pamunuan ng GMA-7 ang writer nilang ito na naglalagay sa kanilang network sa hindi magandang panlasa at imahe.

vuukle comment

REGINE VELASQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with