^

PSN Showbiz

Kim award na lang ang kulang

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Kim  award na lang ang kulang
Kim

Malakas ang ugong ng pangalan ni Kim Chiu sa Best Actress category ng Metro Manila Film Festival 2018.

Ang tsismis na naririnig ko, malaki ang tsansa ni Kim na manalo ng Best Actress trophy. Why not?

Maganda ang kumbinasyon nila nina Dennis Trillo at JC de Vera.

Ang sabi ni Dolor Guevara, inspired si Eric Quizon nang gawin nito ang One Great Love kaya maganda na lumabas ang official entry ng Regal Entertainment Inc. sa Metro Manila Film Festival.

Noon pa naman, nakita na ang husay ni Kim sa kanyang mga nauna na pelikula kaya hindi kataka-taka kung sakali na manalo siya.

Sana nga, this time makuha niya ang Best Actress award para maging kumpleto na ang journey niya as a movie star at makita rin ng lahat na hindi lang siya popular at maganda, meron siyang talento na maipagmamalaki.

Maganda ang growth ni Kim bilang aktres, kumbaga from scratch, unti-unting kumikinang. Ganoon din ang pag-angat niya, gradual kaya mas matibay ang foundation niya not only as a person but as an actress.

Kim Chiu for Best Actress!

Aura ng kapaskuhan, kakaiba…

Hindi na talaga maipagkakaila ang ibang aura ng paligid. Iba talaga ang magic ng season sa ating mga Pilipino, iba ang feeling na dulot nito.

Kahit ano pa, may calming effect siya, meron siyang magical color sa bata at matanda. Kahit puno ka ng complain, kahit mainit ulo mo, kahit feeling sick ka, the magic of Christmas will be there.

Siguro nga, ito rin ang regalo sa atin ng Pasko, ang ma-feel natin sa puso natin, sa isip na importante ang season na ito, so we have to really feel it in our heart. Merry Christmas and a hopeful New Year for all of us.

Mga Villar, kakaiba ang dedikasyon

Humarap kahapon sa entertainment press sina Senator Cynthia Villar, ang kanyang anak na si Camille at si DPWH Sec. Mark Villar. Si House Representative Emmy Aglipay-Villar sana ang makaka-breakfast namin pero ayon kay Sec. Mark, nasa isang provincial commitment ito.

Bongga talaga dahil makikita mo how they really work so hard to keep the name on top.

Imagine, batang-bata pa si Camille, ang dami-dami na niya na achievements, bukod sa naging co-host siya noon ni Willie Revillame sa defunct show nito sa TV5.

Si Congreswoman Emmy naman, kahit may lupus, very positive ang attitude at talagang very hardworking. Dahil sa kanya, nabuhayan ng pag-asa at sumigla ang ibang mga lupus victim.

Si Senator Cynthia, talagang tutok sa trabaho kaya walang nasasayang sa oras niya.

At si Sec. Mark, siyempre tutok sa kanyang trabaho bilang DPWH Sec. Ang dami nilang on going na project na malapit nang matapos.

Makikita talaga sa kanila ang dedication kaya hindi ka magtataka na hindi nawawala ang pangalan nila sa Forbes list ng mga rich and famous.

Saludo talaga ako sa mga Villar.

Catriona balik-pinas na,  naka-private plane

Back to Manila si Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Sosyal si Catriona dahil hindi commercial plane ang sinakyan niya as in pasahero siya ng private plane ni Papa Chavit Singson na number one benefactor ng Miss Universe contest.

Malalaman natin sa pagbabalik ni Catriona kung matutupad ang wish nito na magdiwang ng Pasko sa Pilipinas, kasama ang kanyang pamilya at kung kailan mangyayari ang pinakahihintay na victory parade niya.

Siyempre, simula na ng mga pagbabago sa buhay ni Catriona na isa sa mga epekto ng pagkakapanalo niya bilang Miss Universe 2018.

vuukle comment

KIM CHIU

METRO MANILA FILM FESTIVAL 2018

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with