^

PSN Showbiz

Marco nagpaliwanag sa relasyon nila Ni Janella, nag-sorry kay Elmo

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Marco nagpaliwanag sa relasyon nila Ni Janella, nag-sorry kay Elmo
Marco, Janella at Elmo

Kamakailan ay madalas na makitang magkasama sina Janella Salvador at Marco Gumabao. Dahil sa mga naglabasang larawan at video sa social media ay umugong ang balitang nagkakamabutihan na diumano ang dalawa. “We hang out, we went out. We were both single and noong lumabas ‘yung video or picture parang nagulat kami (sa reaksyon ng tao). Then pinag-usapan namin. I think it’s best if parang kung ano man ang nangyari, i-end na natin agad,” paglilinaw ni Marco.

Nagdesisyon ang aktor at si Janella na huwag na munang magkita mula nang naugnay ang dalawa. “Kasi nga may picture na lumabas so we talked about it, na huwag na natin bigyan ng reason ang mga tao para magalit pa. Kami, we’re just friends. We went out pa nga with Elmo no’ng Christmas special. Kasi napansin ko na parang hindi kami nagpapansinan. May kaunting iwasan na nangyari so lumapit ako sa kanya. Because of the issue may kaunting ilangan na hindi mo naman naiiwasan. Sabi ko, ‘Sorry kung ano man ang lumabas na issue. We didn’t mean na sirain ang relationship mo with Janella.’ Sabi niya sa ‘akin, ‘You know what Marco, I really appreciate you coming up to me.’ Sabi niya not most guys will do this na magso-sorry o mag-own up sa mistake. Kasi ako aminado naman ako na nagkamali din ako kasi nga na-mislead namin ang mga tao and to thinking na Janella and I were dating. In fact, we were just going out with a group of friends. Kung nagkaroon ng konting paglabo. I’m sorry for that and nag-sorry na ako kay Elmo and kami ni Janella. We’re friends and evertything is good,” pagdedetalye ni Marco.

Sam inaalala ang pinagsamahan  nila ni Toni

Masaya si Sam Milby dahil muling nakatambal si Toni Gonzaga para sa pelikulang Mary, Marry Me na isa sa mga kalahok sa Metro Manila Film Festival ngayong Kapaskuhan.

Kasamahang bida rin sa nasabing proyekto ang nakababatang kapatid ni Toni na si Alex Gonzaga. Matatandaang si Toni ang kauna-unahang nakatambal ni Sam noong nagsisimula pa lamang ang aktor. “Siya ang first love team ko sa showbiz, starting with You Are The One. And even when I was just starting talaga, it was PBB (Pinoy Big Brother). I knew Toni, seeing her on TV as the host. ‘Yung first Pinoy movie na napanood ko was inside the Big Brother house. We watched ‘D Anothers. Si Toni rin ang bida,” nakangiting kwento ni Sam.

Para sa aktor ay malayo na ang narating ni Toni bilang isang artista at ikinatuwa ni Sam ang pagkakaroon na ng aktres ng sariling pamilya.

“We’ve always had this amazing chemistry ever since then. And the last time na magkasama kami as a love team was nine years ago, Ang Tanging Pamilya. So to be working with her again, and to see where she’s in life and all the success she has, and even with the family and her as a mother, ang sarap,” pahayag pa ng aktor.

vuukle comment

MARCO GUMABAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with