^

PSN Showbiz

Clint bawal munang makasama si Catriona

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Clint bawal munang  makasama si Catriona
Clint

SEEN: Bumalik na kahapon sa Pilipinas si newly-crowned Miss Universe Catriona Gray. Hindi sila magkasabay na dumating ng kanyang boyfriend na si Clint Bondad dahil sumakay ito sa commercial flight samantalang ang private plane ng businessman na si Chavit Singson ang sinakyan ni Catriona.

SEEN: “I’m single for one year” ang biro ni Clint Bondad dahil isang taon na mamamalagi sa New York City si Catriona Gray para tuparin ang mga responsibilidad nito bilang Miss Universe.

SCENE: Ang Diyos ang pinasasalamatan ni Marco Gumabao dahil sa magaganda na pangyayari sa kanyang career. Natutuwa si Marco dahil hindi siya nagkamali ng desisyon na lumipat sa Viva Artists Agency. Naranasan ni Marco na magkaroon ng solo presscon bilang co-star ni Anne Curtis sa Aurora.

SEEN: Hindi uso kina Vice Ganda at Anne Curtis ang rivalry dahil magkasabay nila na ipino-promote sa It’s Showtime ang kanilang mga pelikula na kalahok sa MMFF, ang Fantastica at Aurora, respectively. Nag-guest pa si Anne sa talk show ni Vice, ang Gandang Gabi Vice para i-promote ang pelikula niya.

SEEN: Ang 40th birthday celebration ni Senator Manny Pacquiao sa General Santos City noong December 17 ang unang party na dinaluhan ni former Senator Bong Revilla, Jr. .

SCENE: Pinatay na ang karakter ni Diego Loyzaga sa Los Bastardos noong Martes kaya hindi na mangyayari ang hiling ng fans niya na ibalik siya sa afternoon drama series ng ABS-CBN pagkatapos ng kanyang suicide attempt.

SEEN: Kahapon ang actual 60th birthday ni Isabel Rivas pero ginanap ang party niya noong Martes nang gabi sa Quezon City Sports Club. Si Isabel ang gumaganap na nanay ni Diego Loyzaga sa Los Bastardos ng ABS-CBN.

vuukle comment

CATRIONA GRAY.

CLINT BONDAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with