^

PSN Showbiz

Angel sobra pa ang timbang

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Angel sobra pa ang timbang
Angel

SCENE: Nag-aalala si Chanda Romero dahil ngayon ang unang araw ng taping niya para sa Cain at Abel pero hindi pa magaling ang kanyang ubo at sipon. Si Chanda ang gumaganap na ina nina Dennis Trillo at Dingdong Dantes sa primetime show ng GMA 7.

SEEN: Lumipad sa Amerika si Michael V. at ang kanyang pamilya sa mismong araw ng birthday niya noong Lunes. Ipagdiriwang ng pamilya ni Michael ang Pasko at Bagong Taon sa US house nila.

SEEN: Imbitado sa Miss Universe after party ang pamilya at Team Catriona ni newly-crowned Miss Universe Catriona Gray na kulang pa rin sa tulog at pahinga kaya hindi pa niya masyadong maramdaman ang kanyang tagumpay.

SEEN: Bayolente ang reaksyon ng ilang mga Pilipino sa congratulatory message ng Miss World Organization kay Catriona Gray nang manalo ito na Miss Universe. Naniniwala ang mga supporter ni Catriona na biktima ito ng pandaraya nang sumali sa Miss World noong 2016.

SCENE: Dapat ipagpatuloy ni Angel Locsin ang pagbabawas ng timbang dahil chubby pa rin siya sa ilang mga eksena ng full trailer ngThe General’s Daughter, ang primetime show niya sa ABS-CBN sa 2019.

SEEN: Na-appreciate ni Elmo Magalona ang paghingi sa kanya ni Marco Gumabao ng paumanhin nang magkita sila sa taping ng Christmas special ng ABS-CBN sa Smart Araneta Coliseum noong December 11. Nag-sorry si Marco dahil sa mga isyu na naglabasan nang makita na magkasama sila ni Janella Salvador sa isang bar sa Taguig City.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with