Catriona
Catriona, Puerto Rico ang matinding kalaban?
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - December 16, 2018 - 12:00am

Kumalat kahapon na si Catriona Gray ang nanguna sa preliminary round ng Miss Universe na gaganapin na ang coronation bukas sa Bangkok, Thailand.

Sinundan diumano siya ni Miss Pureto Rico pero dikit daw ang score, by points.

Pero walang official statement ang Miss Universe sa nasabing kumalat na score board.

Pero si Catriona tuloy ang panghihingi ng dasal. “Please continue to pray for me,” tweet niya nung isang araw.

Todo rin ang pakiusap niya na kailangan pang mag-ingay bilang goodluck sa kanya. “Blessed day, Everyone! Let’s make noise in Philippine trends!Just retweet this tweet, As a goodluck for me! #MissUniverse #MissPhilippines #CatrionaGray.”

Actually nang i-check ko, ang dami niya palang account na nagsulputan sa lahat ng social media platform pero tiyak iisa ang misyon, ang manalo siya.

Magiging malungkot daw kasi ang Pasko ng mga Pinoy pag hindi siya nagwagi.

Goodluck Catriona.

Mapapanood ang Miss Universe live sa ABS-CBN, 8:00 bukas ng umaga.

CATRIONA GRAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with