^

PSN Showbiz

Moira, nag-water diet para sa kasal

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Moira, nag-water diet para sa kasal
Moira

Sa January ay gaganapin na ang pag-iisang dibdib nina Moira dela Torre at Jason Marvin Hernandez sa Tagaytay. Puspusan na ngayon ang ginagawang water diet ng singer para mabawasan ang kanyang timbang at mas maging maayos ang lagay ng kalusugan. “Now I am trying to do a cleanse. I’m trying to exercise. I think it’s not really to loose weight but more so to be able to stand the aisle and look at my future husband saying ‘Here’s your healthy wife because you deserve a healthy wife.’ I think it’s also my jumpstart to marriage and all of that. Also I’ve been spending all my days off planning the wedding with Jason. Ang dami po naming preparations na ginagawa from suits to gowns to hotels, to the food. It’s really showing me that we are a great team,” pagbabahagi ni Moira. 

Kahit ilang buwan na ang nakalilipas mula nang mag-propose si Jason sa singer ay sa darating na Pasko pa lamang daw mamamanhikan ang pamilya ng lalaki sa pamilya ni Moira. “Kasi ‘yung family ko from the States which is my dad and my stepmom and my sisters, they get here December 23. So they’ll be here until the wedding. And first time ko in my entire life to spend Christmas with my entire family, ‘yung hindi hati. ‘Yung hindi ako nasa Olongapo lang, or sa States lang. As in both families are there. So I think Jason wanted to take that opportunity also to have my entire family together,” nakangi­ting pahayag ni Moira.

Wish ng nanay na namatay, Marlo, malamang mag-asawa na! 

Para kay Marlo Mortel ay ibang-iba ngayong taon ang pagdiriwang ng kanyang pamilya ng Kapaskuhan. Matatandaang namatay ang ina ng aktor noong August Dahil sa breast cancer. “Magse-spend ako ng time sa side ng dad ko sa Christmas and then sa New Year sa side naman ng mommy ko. It’s different kasi kahit madami naman kami sa family, never naman ako nag-celebrate ng Pasko na wala siya. As in never in my life as in every single year kasama ko siya. Siguro ‘yung dad ko pwedeng wala, nasa abroad siya pero mommy ko kasama ko every year. So it’s going to be tough remembering na nandiyan siya dapat talaga,”paglalahad ni Marlo.

 Noong nabubuhay pa ang ina ay gusto raw nitong masubaybayan pa sana ang pag-aasawa at pagkakaroon ng pamilya ng aktor. “Hindi naman niya ako minadali. Alam naman niya na bata pa ako for that. Excited siya na gusto pa niya akong makita na magka-family, magkaroon ng apo. Gusto niya ‘yon talaga pero hindi na niya naabutan. Kaya siguro in the next few years tutuparin ko ‘yung wish niya,” kwento ni Mortel. 

vuukle comment

MOIRA DELA TORRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with