^

PSN Showbiz

Magpapahinga muna… Book 2 ng concert ni Sharon, cancelled!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Magpapahinga muna� Book 2 ng concert ni Sharon, cancelled!
Sharon

Pagkatapos mag-shoot ni Sharon Cuneta ng horror movie niya kay direk Erik Matti sa Baguio, nagpahinga na muna siya dahil natuluyan na raw sa flu ang pagsusuka niya.

Hindi pa kasi siya nakapagpahinga sa promo ng Three Words to Forever, tumuloy na siya sa shooting sa Baguio, nag-launch pa ng bagong album sa Eastwood.

Kaya palilipasin lang daw niya ang debut ni Frankie, magpapahinga na raw muna siya.

Pero naglabas na ng announcement ang megastar na ipinarating sa aming PEP Troika.

Ani Sharon; “It is also with a heavy heart that I have to announce that my team and I have decided to cancel My 40 Years Book 2 concert on January 26.

“My movie shooting schedule will still go on untouched though. I need to accept that I was ‘Darna’ in a movie but am not in real life.

“Thanks so much, and don’t worry—we are already planning lots of things for you in 2019.  Love You. God bless us all.”

Sa rami ng trabaho, Richard hindi pa maharap ang kasal nila ni Sarah

Na-enjoy daw nang husto ni Richard Gutierrez ang pagpu-promote ng Metro Manila Film Festival 2018 entry nila nina Vice Ganda at Dingdong Dantes na Fantastica.

Bumalik daw ang madalas nilang ginagawa nila noon na mga mall show at pag-iikot sa mga probinsya.

Committed daw si Richard sa Fantastica hanggang sa awards night ng MMFF kaya wala pa muna silang plano nina Sarah Lahbati sa holidays.

Padating daw ang Daddy ni Sarah galing Switzerland saka sila magplano kung saan sila magbakasyon.

Pero tsika ni Jun Lalin sa amin, saglit lang din ang Christmas vacation nila dahil nagsimula na ring mag-training sa soap nila ni Bea Alonzo.

Kaya after Fantastica, tuluy-tuloy na hanggang 2019 ang ma­tinding schedule ni Richard.

Paano ang wedding plans nila ni Sarah?

Ang pagkakaalam ko sa 2019 na rin ito pero wala pang eksaktong date. Inaayos pa ang venue ng wedding. Dito nga ba o sa ibang bansa gagawin?   

Ilang Kapamilya stars nagpahiwatig sa GMA-7!

Reliable ang source naming kumpirmadong magiging Kapuso na si Derek Ramsay.

Ayaw lang niya munang ipasulat na siya ang source, kaya kinulit ko ang ibang executives ng GMA-7. Pero as of presstime, hindi pa kami sinasagot kung kailan ang contract signing.

Sa huling post ni Derek sa kanyang Instagram account, binanggit niyang may malaki siyang desisyon nung gabing iyun.

Sabi niya; “Tonight I make a big decision regar­ding my career. I’m both nervous and thrilled at the same time. Thank you Lord for all the blessings.”

Abangan na lang ang announcement ng GMA-7 kung kailan ang pirmahan.

Bukod kay Derek, naulinigan din naming pinag-uusapan ng mga taga-GMA na meron pa raw ibang Kapamilya artists na nagpaparamdam sa Kapuso network.

Ewan ko kung totoo nga ito at kung nakara­ting ito sa mga executives ng GMA-7.

Ang isang pinag-uusapang gustong lumipat ay isang not so-young actor na sumikat sa isang teleserye at itinuring siyang isa sa hottest leading men ng ABS-CBN 2. Pero medyo lay low siya ngayon dahil kung hindi kami nagkamali, pinasok daw nito ang pulitika.

Parang wala na ring plano ang Kapamilya network sa matangkad na hunk actor kaya may nagpaparating na rin daw na baka interesado ang GMA-7.

May isa pang dating hunk actor na nagparating na rin ng mensahe, pero ewan ko kung interesado ang GMA-7 sa kanya.

Pati ang isang kilalang singer/actress ay narinig din naming balak lumipat ng GMA-7, pero kinontra ito ng isang kaibigang malapit sa kanya dahil hindi raw niya ito gagawin kahit wala pang plano ang ABS-CBN 2 sa kanyang career.

Magkakaalaman din naman sa 2019 kung may mga lipatang mangyari.

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with