^

PSN Showbiz

General’s Daughter ni Angel ‘di pa alam ang papalitan?!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
General�s Daughter ni Angel �di pa alam ang papalitan?!
Angel

Nakaka-curious kung anong teleserye ang papalitan ng The General’s Daughter kung saan starring dito sina Angel Locsin, Paulo Avelino at JC de Vera. Panay-panay na ang pagpapalabas ng trailer nito ng Kapamilya Network na nangangahulugan lamang na nalalapit na ang pagpapa­labas nito. Pero aling programa ba ang nalalapit nang matapos? Ang FPJ’s Ang Probinsyano ba, Halik o Ngayon at Kailanman?

Obviously, sa gabi ito mapapanood  at hindi sa hapon kung ibabase sa laki ng produksyon at mga ar­tistang lalabas -- Maricel Soriano, Eula Valdez, Janice de Belen, Ryza Cenon, Albert Martinez. Si Regine Velasquez-Alcasid pa ang kakanta ng theme song ng serye na pinamagatang Ikaw Ang Aking Mahal.

Mga pelikula ni FPJ napapakinabangan pa!

I’m sure natutuwa ang hanggang ngayon ay reyna pa rin ng pelikulang Pilipino na si Susan Roces at maging ang kanyang anak na si Senator Grace Poe Llamanzares  sa patuloy na paggunita, hindi lamang ng mga tagasubaybay ng pelikula at TV dito sa atin kung hindi maging ng Kapamilya Network na ipinare-restore pa ang mga pelikula ni FPJ (Fernando Poe, Jr.) para mas masiyahan pa ang mga manonood muli ng mga pelikula ni Da King lalo na sa panahong ito ng paggunita natin ng kanyang kamatayan.

Makaraan ang 14 na taon, andun pa rin ang panghihinayang sa maaga niyang pagkawala at sa napaka-gandang laban na ibinigay niya sa kanyang nakatunggali sa pagka-pangulo ng bansa sa isang halalan na hindi na mabura-bura sa alaala ng lahat. Yes, everybody misses the good man from the mo­vies na bayani ng lahat ng maliliit na manggagawa sa industriya ng pelikula at maging ng manonood ng pelikula, kabilang na ang mga milenyal. Mabuti na lamang at ipinagpapatuloy pa ng kanyang ginang ang trabaho na kung saan ay minahal sila ng mga Pili­pino. Tatlong taon nang bahagi si Susan Roces ng Ang Probinsyano. Isa namang senador ang nag-iisa nilang anak.

Catriona hinihintay iuwi ang korona

Sana nga manalo bukas sa Miss Universe pageant sa Thailand ang representative nating si Catriona Gray. Very proud tayo sa ginagawa niyang pagdadala ng ating bandera sa pinaka-prestihiyosong beauty pageant.

Bukod sa maganda niyang dinadala ang pagka-Miss Philippines, outstanding siya sa kanyang beauty, intelligence at pagrampa. Magiging balakid lang marahil ang hindi pa natatagalang pagwawagi ni Pia Wurtzbach. May mga ipinadala tayo para mag-cover ng event. Obvious na hopeful tayo sa magiging kapalaran ng ating Miss Universe Philippines.

Yam mas masaya sa LDR!

Nakakalungkot din and at the same time ay nakakatuwang bigla ay naging authority si Yam Concepcion sa pagiging kabit o mistress. Ang daming umaasam ng kanyang tulong dahil lamang sa kasikatan ng kanyang character na ginagampanan sa seryeng Halik bilang mang-aagaw ng asawa ng iba.

I wonder kung nakakaya niyang sagutin ang mga problema ng mga nasa ganitong sitwasyon na talaga palang napakarami sa ating bansa. Dahil ba poly­gamous ang mga kalalakihan natin at itinuturing ang pagkakaro’n ng extra marital relationships bilang patunay ng kanilang pagiging macho at status symbol?

It’s just unfortunate na marami sa kanila ang hindi na nakakabalik ng buo sa ka­nilang mga asawa. Tandaan natin na nasa isang normal at masayang long distance relationship si Yam with her partner. Hindi siya ang awtoridad sa pagi­ging kabit kung hindi ang sumusulat ng istorya ng Halik na siguro ay marami ang nakakadaupang-palad sa kanilang research.

Carmina ipinagpalit ang career sa negosyo!

Nag-quit na sa kanyang showbiz career si Carmina Villarroel. Iiwan na niya ang kanyang pag-aartista para pagtuunan ng pansin ang pagpapalago ng isang skincare na negosyo na gusto niyang makilala hindi lamang dito sa bansa kung hindi maging sa labas nito. Siguradong mami-miss siya ng mga tagahanga’t tagasubaybay niya pero, andyan naman ang pamilya niya. Ang asawang si Zoren Legaspi at ang kambal nilang anak na sina Maverick at Cassandra na pinasok na rin ang pag-aartista para patuloy na mabigyang buhay ang karera ng pamilya nila sa pelikula at telebisyon na nagbigay sa kanila ng magandang buhay at pangalan.

Sa edad na 43. wala nang pag-aalala si Carmina na iwan ang kanyang pag-aartista dahil may ipon na siya at nakapagpundar na rin ng ibang mga mapagkakakitaan. May mapagkukunan sila ng kabuhayan habang naghihintay ng kahihinatnan ng negosyong pinasok niya at ipinagpalit sa kanyang matagumpay na karera. Tutulungan naman siya ng kanyang asawa’t anak.

Isang anti-aging at whitening product na siya mismo ang lumikha ang pagkakaabalahan niya na palaguin. Pinangalanan niya itong Auvela. May ilang pana­hon na rin niya itong nailunsad sa market pero, ngayon lamang niya tuluyang maipapakilala.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with