^

PSN Showbiz

Piolo magiging abala sa tourism

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Piolo magiging   abala sa tourism

Paano na ang love life?

Kasama na si Piolo Pascual sa magpo-promote ng ‘responsible tourism’ na proyekto ng Department of Tourism headed by Sec. Berna Romulo-Puyat.

Sa post ni Sec. Berna the other day, kasama niya ang actor at si Binibining Joyce Bernal na nakatrabaho niya pala sa pelikula 15 years ago. Kundi ako nagkakamali, ito ‘yung movie na Till There Was You starring Piolo Pascual and Judy Ann Santos.

“15 years ago, a movie was shot in my house starring this actor and directed by this binibini 2 years later (2005) , ‘nauto’ ako to be an ‘extra’ in a movie with these two again Now here we are again at my home, not to do a movie, but to talk about our campaign for responsible tourism.So excited Watch my IG Stories or highlights to hear some of the things we discussed re Sagada,” caption ni Sec. Berna sa kanyang post with Piolo and Direk Joyce.

Three days palang nag-stay sa Sagada si Papa P kaya nakita niya kung gaano ito kaganda.

Ang pagrespeto at pagbibigay ng importansiya sa ating kalikasan ang tutukang kampanya nina Piolo and Direk Joyce na nauna nang nagpunta ng Sagada. “Celebrating the beauty of our native land... :) falling in love with it over and over... yet there’s still so much to see... -#ilovethephilippines” ang naunang post ni Papa P na kuha sa magagandang lugar sa Mountain Province.

Ang Sagada ay matatagpuan sa  Cordillera Mountains na lahat ng mga pumunta ay namamangha sa kagandahan ng lugar. Dinarayo rin dito ang mga naka-hang na kabaong na na-feature na sa iba’t ibang international channels, ang rice terraces caves at ang malulusog na kabundukan.

Aside from Piolo, marami pang malalaking artista ang nakahandang tumulong sa kampanya kay DOT Sec. Berna na iba rin ang kasipagan sa trabaho.

Ang DOT ang nanguna sa rehabilitation ng Boracay na nagkaroon ng anim na buwang closure. Bumalik sa dating ganda ang Boracay after ng rehab na nagkaroon ito ng reopening last October. Pero hindi pa rin natuto ang maraming tourists, balik sa dating gawi ang ibang turista na parang walang pakialam sa pinagpaguran ng DOT, DPWH at ibang government agencies.

Siguradong walang tatanggaping kahit singkong talent fee si Piolo na kilalang generous at maraming kinakampanyang advocacy. Pero sana bukod sa pag-respeto at pangangalaga sa kalikasan matuto rin ang mga tao na maging responsable.

Teka, paano pa kaya ang lovelife ni Papa P. kung may mga ganito siyang project, may pelikula at TV shows pa?

vuukle comment

BERNA ROMULO-PUYAT

DEPARTMENT OF TOURISM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with