Maymay nahirapang mag-move on sa ex!
Kapag mayroong manliligaw si Maymay Entrata ay pinatatagal daw ng aktres ang ginagawang panliligaw ng lalaki. Hindi basta napasasagot ang baguhang aktres ng kanyang matamis na ‘oo’. “Dati kasi pinagbabawalan kami kahit crush lang. Kasi focus sa pag-school pero siyempre kasi ‘pag crush mo mag-text (kinikilig). Pero kapag manliligaw na, hinding-hindi ako sasagot ‘pag hindi pupunta sa bahay,” nakangiting bungad ni Maymay.
Naranasan na ng dalaga ang masaktan dahil sa dating nakarelasyon.
Ayon kay Maymay ay matagal rin siyang naka-move on mula sa relasyon nila ng dating kasintahan. “Kapag heartbroken ako, matagal akong nakaka-move on. Minsan kasi inaako ko lang. Kasi may past relationship po kasi ako, tapos kahit saan ka tumingin o kahit kumakain ka lang, lagi mo siyang iniisip tapos hindi ka makakain. Pero umaabot ng isang taon bago mag-sink in sa akin na hindi talaga kami para sa isa’t isa,” pagbabahagi ng dalaga.
Samantala, alam na rin ng katambal na si Edward Barber kung ano ang patakaran ni Maymay para sa mga manliligaw. “Sinabi ni May sa akin dati na dapat approved ‘yung lalaki sa pamilya niya. Kung hindi approved, wala talaga,” maikling pahayag ni Edward.
Nagsalita rin sa relasyon sa anak ni Janice, Tommy problemado at hindi masaya sa ex
Nagsalita na si Tommy Esguerra tungkol sa naging hiwalayan nila ni Miho Nishida.
Ayon sa aktor ay maraming mga naging balakid sa relasyon nila ng dating kasintahan. “There were so much stress and so much problems, and especially with the fans and the work getting involved, that we weren’t so happy,” pagtatapat ni Tommy.
Mas minabuti ng binata na manahimik na lamang noong nagkahiwalay sila ni Miho upang hindi maging komplikado ang mga bagay sa pagitan nila. “If I don’t have so much good things to say about the unhappy times. So I don’t want to ruin the good times we had talking about the bad times, because already done eh,” giit ni Tommy.
Sa ngayon ay mas gusto na lamang gawing pribado ng dating PBB housemate ang tungkol sa kanyang buhay pag-ibig. “Ever since my last relationship, I realized that I would rather (keep quiet) at least while you’re still forming your relationship. Ayaw ko muna sabihin ang pangalan niya, baka maudlot,” paliwanag ng aktor.
Samantala, kamakailan ay naugnay rin si Tommy sa anak nina Janice de Belen at John Estrada na si Kaila. “Me and Kaila are great friends, like we’re great friends,” pagtatapos niya.
- Latest