^

PSN Showbiz

Catriona masyadong high-profile

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Catriona masyadong high-profile
Catriona

SEEN: Nakikipagpaligsahan si Dyan Castillejo sa mga damit ng mga kandidata ng 67th Miss Universe. Si Dyan ang ipinadala ng ABS-CBN sa Bangkok, Thailand para i-cover ang activities at ang grand coronation ng Miss Universe 2018 sa Lunes, December 17, 2018.

SCENE: Pinangangambahan ang pagiging high-profile candidate ni Miss Universe Philippines 2018 Catriona Gray. Hindi popular contestants sa Miss Universe sina Pia Wurtzbach noong 2015 at si Iris Mittenaere ng France noong 2016 pero sila ang mga nag-uwi ng korona.

SEEN: Walang producer ng mga pelikulang Pilipino ang nangahas na tapatan ang Aquaman, ang Hollywood movie na nagbukas kahapon sa halos lahat ng mga sinehan sa Pilipinas.

SCENE: Si Jason Momoa ang bida ng Aquaman. Tuwang-tuwa ang Filipino fans kay Jason dahil wala itong star complex at siya pa ang kumukuha ng litrato sa mga selfie request sa fan’s day ng Aquaman sa Music Hall ng SM Mall of Asia.

SCENE: Unang nagkuwento si Kylie Padilla tungkol sa plano ni Aljur Abrenica na magpakasal sa entertainment writers na bumisita sa taping ng The Cure noong July 13, 2018. Nagbigay ng mga detalye si Kylie pero nang mahimasmasan, nakiusap siya na i-off-the-record ang kanyang mga re­belasyon. 

SEEN: Tanggap na tanggap na ni Robin Padilla si Aljur Abrenica dahil tinupad nito ang nag-iisang kundisyon niya na pakasalan ang kanyang anak na si Kylie Padilla. Lumambot ang puso ni Robin kay Aljur nang isilang ni Kylie ang kanyang apo na si Alas.

SCENE: Ang balita na lumitaw ang pagiging fan ni Ken Chan nang magkaharap sila ni Derek Ramsay sa unveiling ng kanilang mga bituin sa Walk of Fame ng Eastwood Libis.

vuukle comment

CATRIONA GRAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with