Tony and Angel
Angel/Tony naki-level sa mga sikat na loveteam
SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - December 13, 2018 - 12:00am

Akala ko ay magigiba na ang Araneta Coliseum sa lakas ng pagsalubong na ibinigay kina Angel Aquino at Tony Labrusca ng SRO audience ng ABS-CBN Christmas Concert na ginanap sa nasabing lugar nung ika-11 ng Disyembre. Wala pa silang teleserye sa Kapamilya at sa isang pelikula pa lamang sila nagtatatambal, ang Glorious, pero, sapat na ito para salubungin sila ng palakpak, hiyawan, padyak ng mga paa at pag-iingay sa kanilang paglabas kasama ang mga sikat na Kapamilya teleserye tandems na kinabibilangan nina Zanjoe Marudo/Angelica Panganiban, Albert Martinez/ Beauty Gonzales, Dimples Romana/Adrian Alandy, Yen Santos/ Sam Milby/Yam Concepcion, Paulo Avelino/Angel Locsin/JC de Vera, Richard Gutierrez/ Bea Alonzo/Ian Veneracion at Judy Ann Santos/Raymart Santiago.

Sila ang talagang tumanggap ng pinakamalakas na welcome from the audience bukod pa sa mga pareha ng KathNiel, LizQuen, JaDine at JoshLia na may mga grupo ng fans na nakapaligid sa The Big Dome na hindi lamang nagpalakasan ng sigaw kundi nagpagandahan pa ng mga pailaw. Nasa ibang segment ang iba pang bagets na loveteams. Lahat sila ay sinuob ng palakpak pero, obvious na pinaka-malakas ang MayWard at DonKiss. 

Paskong-Pasko sa loob ng Araneta, makulay at nagningning ang mga ilaw na naka-palamuti sa stage na napakalaki na pero, hindi pa rin sumapat sa rami nang mga nag-perform. Yung buong orchestra ay inilagay sa isang lugar na malapit sa stage para hindi sila makaistorbo sa mga nag-perform at hindi rin sila maistorbo sa kanilang pagtugtog. May isang marching band na nagpasaya sa kaganapan pero, mas pinasigla ang opening number ni Gary Valenciano ng napakaraming drummer. Ang sarap nilang pakinggan ng sabay-sabay sa pagpalo nila ng kanilang drums.

It was a most beautiful celebration of the birth of Christ via music, song and dance. Si Pokwang sumayaw kasama ang pareha ng Pilipinas Got Talent. Si Robi Domingo ay marunong din palang sumayaw. Hindi siya nagpahuli sa #Hashtags.

Kuwela naman ang dance number ng Santiago Brothers nina Randy, Rowell at Raymart. Buo ang cast ng Ang Probinsyano. Lahat ay sumayaw kasama sina Susan Roces, Jaime Fabregas, Lito Lapid, ang mga komedyante sa serye, ang lahat ng bata, goons, matangi kay Eddie Garcia, but he was there.

Hinamon pa nina Edu Manzano at Jhong Hilario ng sayaw ng Momoland si Coco Martin.

It was a complete entertainment package na wala yatang Kapamilya na hindi kasali. Andun si Martin Nievera, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Kim Chiu, Enchong Dee, Los Bastardos, Pinoy Boyband PH,  McLisse, Jenine, TNT Boys, The Voice Kids and Teens, Sarah G, Billy Crawford, Darren Espanto, Karylle, Ryan Bang, Bamboo, Vice Ganda, Nyoy Volante, Jed Ma­dela, Erik Santos, Jona, KZ, Morisette, Klarisse, Kyla, Daryl, Sam Mangubat, Jolina Magdangal, Melai Cantiveros, Karla Estrada, Jayzon, Bayani Agbayani, Andrew E., Mitoy Yonting, Rufa Mae Quinto, Empoy Marquez, Arjo Atayde, Ejay Falcom, Arci Muñoz, Piolo Pascual, Maris Racal, Inigo Pascual, Leila Acasid, Isabela, Anne Curtis, Bea Alonzo, Aljur Abrenica at napakarami pa. Mapapanood n’yo sila sa dalawang bahagi ng ABS-CBN Christmas Concert sa TV. 

Abangan n’yo na lang ang anouncement ng Kapamilya. Don’t miss it. It’s one of the best  Christmas concerts na mapapanood sa TV.

Bong binawalang maki-party

Hindi pala pinayagan si Bong Revilla ng abogado niya na magkaroon ng Christmas party kasama ang media. Baka nga naman mabigyan pa ito ng kulay. Si Mother Lily Monteverde ng Regal ang gustong mag-host ng party para sa kanya pero, naniwala ito na baka nga makasama pa sa dating senador ang balak niyang pakikipagsaya dito dahil Pasko naman at matagal din silang hindi nagkasama-sama.

Direk Paul 15 days lang ginawa ang movie nila Toni

Masaya na si direk Paul Soriano na makagawa ng pelikula kahit minsan lamang isang taon. Masaya na siya sa naging resulta ng First Love nina Aga Muhlach at Bea Alonzo. Pero, paano ba naman niya mapapahindian ang napakagandang konsepto na nabuo ng misis niyang si Toni Gonzaga kasama ang kapatid nitong si Alex kaya, bigla may entry siya sa MMFF 2018 na may pamagat na Mary Marry Me na tampok ang magkapaid at si Sam Milby. Pero hindi siya ang direktor ng pelikula, ipinadirek niya ito sa isang matagal nang assistant director niya, si RC delos Reyes. Ayaw niyang pareho silang ma-stress ni Toni kung magkasama silang magtrabaho. At baka raw na sa halip na siya ay si Toni ang magdirek sa kanya. Tapos na raw ang movie na dito lamang sa kamaynilaan kinunan ng 15 araw. 

Ika-11 movie na ito ni direk Paul. Balak niyang gumawa ng isang musical para tribute sa lolo niyang si Nestor de Villa and hoping na ma-revive niya ang mga pelikula nito. 

LT at Ejay sangkot  sa May-December affair

Sina Lorna Tolentino at Ejay Falcon naman ang mai-involve sa isang May-December love affair.  May asawa’t siyam na anak si Bonifacia (LT) kaya hindi nito tanggap ang damdamin ni Nilo (Ejay) na 32 taon ang kabataan sa kanya. Lalo na nang mamatay ang asawa nito. Tutol din ang mga anak niya sa binata. Pero, walang matimtimang babae sa isang matiyagang lalaki. Nagkaunawaan sila at namuhay na magkasama. Sa simula, nahihiya si babae na makitang magkasama sila ng lalaki sa publiko. Sa kalaunan ay nasanay din sila lalo’t mabait si Nilo kay Boni. Hindi sila nagkaro’n ng anak pero, hindi nagbago ang pagmamahalan nila. Hanggang sa ngayon ay magkasama pa rin silang namumuhay bilang mag-asawa.

Tulad ng maraming May-December stories, may mga eksena ng pagmamahalan sina LT at Ejay. Ito ay na-execute ng maganda ni Frasco Mortiz. Kasama rin sa episode na ito ng MMK sa Sabado, Dis­yembre 15 sina Allan Paule, Zaijian Jaranilla, Toby Alejar at Marco Masa.

ANGEL AQUINO TONY LABRUSCA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with