^

PSN Showbiz

Aktres ingat na ingat mahawakan ang puwet na alaga sa injection!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Iba-iba ang trip ng mga kilalang personalidad sa pagpaparetrato sa mga kababayan nating lumalapit sa kanila. Merong okey lang kahit hawakan sila sa bewang, merong walang problema kahit pa akbayan mo sila, pero meron ding mga personalidad na may kakaibang drama sa pagpapa-picture taking.

Nakakaaliw ang kuwento tungkol sa isang pamosong female personality na kapag gustong makasama sa retrato ng mga humahanga sa kanya ay meron munang parang workshop na pinagdadaanan ang mga faney.

Kuwento ng aming source, “Pumapayag naman siya, hindi naman siya isnabera, masaya naman siyang pumapayag kapag may naglalapitan sa kanya. Pero bago ‘yun mangyari, e, meron muna siyang mga kundisyon.

“Sasabihin niya kapag more than five na ang nagpaparetrato, ‘Grupo na lang tayo para mabilis. Hindi na isa-isa, ha?’ So, wala namang choice ang mga lumalapit sa kanya, di grupo kung grupo na lang ang shot!

“Kapag matandang lalaki naman ang humihingi ng selfie sa kanya, e, siya na mismo ang kumukuha, alam niya ang pindutan ng mga camera, ayaw niya kasing naghihintay siya.

“Kapag mga bagets naman ang tumatabi sa kanya, e, meron din siyang kundisyon. Walang hahawak sa bewang niya, walang aakbay, walang kahit ano. Kailangang nakababa lang ang mga kamay ng mga bagets!

“Nakakaloka ang babaeng ‘yun! Talagang meron siyang mga kundisyon sa pagpapa-picture! Nakakaloka siya!” tawa nang tawang kuwento ng aming impormante.

Ang pinakaayaw ng kilalang female personality ay ang hawakan siya sa bandang likuran. Sa puwet niya. Malaking krimen ‘yun para sa kanya.

“Talagang binabantayan niya ang bandang puwet niya. Malaking kabastusan para sa kanya ang mahawakan ‘yun ng kahit sino. Na dapat lang naman, hindi siya dapat hinihipuan.

“Pero ang totoong reason nu’n, e, very sensitive ang butt niya. Konting hipo lang, sumasakit na ‘yun! Talagang ingat na ingat siyang may humipo sa bandang puwet niya dahil milagrosa ‘yun!

“Alagang-alaga kasi sa injection ang part na ‘yun, kailangan niyang magpa-injection, dahil wala siyang wetpax. Flat na flat ‘yun, gumagamit lang pala siya ng cadera, para magkunwaring maumbok ang likod niya.

“Kaya tatandaan natin, kapag magpapa-picture tayo sa female personality na ‘yun, e, hindi agad-agad na click ang drama. Meron muna siyang mga kundis­yones, may mga instructions siya!” humahalakhak na kuwento ng aming source.

Ubos!

Alden mahusay sa pera

Hindi pinagdadamutan ni Alden Richards ang kanyang sarili at ang pamilya niya pero alam niya kung paano niya mapakikinabangan ang mga kinikita niya.

Mahusay humawak ng pera ang Pambansang Bae, tantiyado niya ang bawat halagang lumalabas sa kanyang bulsa, si Alden ang klase ng artistang pagtampuhan man ng kapalaran sa kanyang karera ay hindi na magugutom.

Sinasamantala niya ang mga oportunidad na dumara­ting sa kanya, trabaho lang siya nang trabaho dahil hindi nga naman sa lahat ng panahon ay tag-ani, may taggutom din sa takbo ng buhay ng mga artista.

Magtatatlo na ang sangay ng kanyang Concha’s restaurant, pero ang pinakanagbibigay ng kasiyahan sa kanya ngayon ay ang katatapos lang mag-ground breaking na franchise niya ng McDonald’s sa Biñan, Laguna.

Kasama ang kanyang kapatid na si Rizza at amang si Richard Faulkerson, Sr. ay personal nilang pinamahalaan ang pagbibinyag sa pagta­tayuan ng kanyang branch ng food chain.

Tama ang kanyang sinabi, isa siya sa pinakamasasayang tao sa mundo ngayon, dahil sa bagong biyayang dumating sa kanyang buhay. Hindi nga naman lahat ng tulad niyang artista ay nabibigyan ng ganito kagandang pagkakataon.

Palibhasa’y galing siya sa isang pamilyang hindi naman nagugutom, pero kapos pa rin kung tutuusin, ay pinahahalagahan ni Alden Richards ang mga biyayang hinahawakan niya.

Pero hindi niya ipinagkakait sa kanyang sarili ang mga pinaghihirapan niya, pinepremyuhan ni Alden ang kanyang sarili, may mga sasakyan na siyang milyones ang halaga na nagagamit niya sa kanyang pag-aartista.

Isa lang ang nagpapalungkot sa kanya kapag ganitong inuulan siya ng mga biyaya. Sana’y nasaksihan ng kanyang dakilang ina ang lahat-lahat ng ito.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with