^

PSN Showbiz

Bong namahay pa!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Bong namahay pa!
Bong

 Punung-puno ang Strike Gym sa Bacoor Government Center kahapon ng umaga dahil special guest sa kanilang regular flag-raising ang dating Sen. Bong Revilla Jr.

 

Masaya ang mga taga-Cavite na mainit na nag-welcome kay Sen. Bong na na-miss daw nila ng halos limang taon.

Pero si Mayor Lani Mercado-Revilla ang pinakamasaya roon kasama ang mga anak nila.

Paglabas ni Sen. Bong ng stage, sina­lubong ito ng mala­kas na palakpakan at tilian. Hindi napigilan ni Lani na maluha sa ma­sa­yang tagpong iyun. Kahit si Sen. Bong ay na­ni­nibago at hindi pa rin sanay na humarap sa napakaraming tao at nagsalita.

Mahigit 20 minutes ang speech niya na nagpapasalamat sa kanyang pamilya, mga malalapit na kaibigan, sa lahat na nagdasal, sumuporta at hindi bumitaw sa kanya.

Isa sa nabanggit niya roon ay ang pagpapatawad sa mga taong nanggipit sa kan­ya para abutin niya ang ganitong kasakit na karanasan.

“Hindi po biro na mayurakan ang pangalan. Hindi po ganun-ganun lang na masira, magiba ang pagkatao sa mata ng taumbayan.

“Hindi biro ang manakawan ng halos limang taon. Pinaniwala ang publiko na isa kang magnanakaw, gayung alam nila sa kanilang mga sarili na imbento lang ang sa lahat ng kaso.

“Ibabalik ko ang tanong sa mga nagsabwatan para siraan ako sa mata ng publiko. Kung sa kanila kaya gawin ito, kaya rin kaya nilang magpatawad? Mapapatawad kaya nila ako?

“Hindi po ako mahirap na tao. Lahat po ng meron ako ay bunga ng dugo at pawis sa pag-aartista. Simula pa lamang nung ako’y sampung taong gulang. Sa panahong ang karamihan ay natutulad pa, nung ako po ay kuma­kayod na para kumita. At iyan ay napatunayan ng hukuman na wala po akong ninakaw ni sentimo mula sa taumbayan,” bahagi ng speech ni Bong.

Sa pagkakaabsuwelto ko po sa kasong ito, gusto ko na pong kalimutan ang mapait na kabanatang ito sa aking buhay. Mas gusto ko pong tumingin sa hinaharap upang maipagpatuloy ang nabalam kong paglilingkod sa ating mga kababayan. Kaya’t hindi na mahalaga kung mapapatawad ko sila. Ang mahalaga ay sa Diyos sila humingi ng tawad, hindi sa akin.”

Hindi pa rin nagpaunlak ng interview si Sen. Bong, pero sinasagot naman niya ang ilang katanungan ng mga reporters na dumagsa roon sa Bacoor kahapon.

Hirap pa rin daw siyang mag-adjust ngayong nasa labas na siya.

Hirap pa siyang makatulog at namamahay daw siya sa sarili niyang tahanan.

Kuwento ni Sen. Bong; “Nagigising ako sa gabi at ako ay namamahay. Sabi nga ni Lani, ‘bakit ka nagigising. Sabi ko Mama, hindi ako makatulog. Actually, two hours lang yata ang tulog ko.

“Sabi nga niya, namamahay ka eh dito ka nga sa bahay. Siyempre, four years and six months ako sa Camp Crame.”

Kinabukasan daw sa breakfast nila, nag-iyakan daw silang lahat. Iyun daw ang first breakfast nila na kumpleto silang buong pamilya.

Tinanong na rin namin si Sen. Bong na kung nakapagpaalam ba siya kay Sen. Leila De Lima na kapit-selda lang niya doon sa Camp Crame.

“Pinararating ko na lang ang aking panalangin para sa kanya.

“Ipinagdarasal ko na lang na sana balang-araw makalaya na rin siya,” nakangiti niyang pahayag.

vuukle comment

BONG REVILLA JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with