^

PSN Showbiz

Karylle tinatawanan na lang ang halikan nila noon ni Dingdong

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Karylle tinatawanan na lang  ang halikan nila noon ni Dingdong

SEEN: Si Wally Bayola at hindi si Robin Padilla ang mas bagay na gumanap na Ronald “Bato” dela Rosa sa life story nito na isasalin sa silver screen ang pilo­sopo na opinyon ng ilang mga Pinoy. Ang mga exploit ni Bato bilang pulis noong kabataan niya at makapal pa ang kanyang buhok ang mapapanood sa pelikula na gagawin ni Robin.

SCENE: Tumawa lang si Karylle nang ipaa­laala kahapon ni Vice Ganda sa It’s Showtime ang dance number with kissing scene nila ni Dingdong Dantes noong may relasyon pa sila at mga mainstay ng defunct Sunday noontime show na SOP.

SEEN: Iron Heart ang working title ng primetime television series ng ABS-CBN na tatampukan nina Bea Alonzo at Richard Gutierrez na magtatambal sa unang pagkakataon.

SCENE: Hindi dapat maging kampante si Miss Universe Philippines Catriona Gray sa Miss Universe 2018 dahil habang tumatagal, maraming mga kandidata ang lumilitaw na pinapaboran na mapanalunan ang much coveted crown and title sa beauty pageant na magaganap sa December 17 sa Bangkok, Thailand.

SEEN: Sina President Rodrigo Duterte at Special Assistant to the President Bong Go ang unang nagpadala ng mga bulaklak ng pakikiramay sa pamilya na naulila ng 70-year old actress na si Alona Alegre na nakatakda ang cremation sa Biyernes, December 14, 2018.

SCENE: Matalik na kaibigan ni Phillip Salvador sina President Rodrigo Duterte at Secretary Bong Go. Si Phillip ang youngest brother ni Alona Alegre at ang aktres ang nagpakilala sa kanya kay Duterte noong mayor pa ito ng Davao City. Si Alona at hindi si Phillip ang unang naging kaibigan ni Duterte.

SEEN: Nagsimula na ang auditions ng GMA 7 para sa mga aspiring star na nangangarap na ma­ging contestant ng bagong season ng Starstruck, ang reality-based artista search ng Kapuso Network na magbabalik sa 2019. Dapat na maging mapili ang selection committee ng Starstruck dahil hindi na napantayan ng ibang winners ng contest ang kasikatan noon ng Starstruck Season 1 Ultimate winners, sina Mark Herras at Jennylyn Mercado.

KARYLLE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with