^

PSN Showbiz

Piolo, JM, at MayWard, pinasaya ang mga nasa Bantay Bata

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Piolo, JM, at MayWard, pinasaya ang mga nasa Bantay Bata

Pinangunahan nina Piolo Pascual, JM De Guzman, Maymay Entrata, at Edward Barber ang mga Star Magic artist na sumalubong at nagbigay saya sa mga bata sa muling pagbubukas ng Bantay Bata 163 Children’s Village noong Disyembre 1 sa Norzagaray, Bulacan. 

Mula three hanggang 16 years old ang mga batang ipinasok sa Children’s Village na itinatag noong 2003 bilang temporary shelter ng mga biktima ng pang-aabuso o pag-aabandona na sinaklolohan ng Bantay Bata 163. Dito sila ay inaaruga, minamahal, at tinutulungang gumaling mula sa kanilang mga sakit at trauma.

Ginanap ang pagbubukas kasabay ng pagbisita doon ng Star Magic Gives Back na proyekto ng talent arm nag ABS-CBN. Sa Children’s Village, nakasama nina Piolo, JM, Maymay, at Edward ang iba pang Star Magic artists na sina Ysabel Ortega, Sharlene San Pedro, Vivoree Esclito, Heaven Peralejo, Enzo Pineda, Ivana Alawi, Eric Nicolas, Gerhard Acao, Luis Hontiveros, Alex Castro, Yasmyne Suarez, Luke Alford, John Bermundo, Karl Gabriel, at Mark Rivera sa pakikipag-bonding sa mga bata. 

Sabi Piolo, magandang pagkakataon ito upang magpakita ng malasakit sa kapwa at magbigay din ng magandang halimbawa sa iba. 

 “Importanteng gamitin natin ‘yung pangalan natin, ‘yung influence natin. Ikaw ang magli-lead ng way na susundan ng mga nakababata sa ‘yo. Sa tingin ko malaki ang nagagawa ng pag-welcome natin sa kanila kasi pinaparamdam mo sa kanila na hindi sila nag-iisa at mayroon silang kasama sa buhay,” banggit ng actor.

Ang loveteam na sina Maymay at Edward, nangakong tutulong sa mga proyekto ng Bantay Bata 163.

Una nang tumulong ang higit 300 artista ng Kapamilya network sa pagbubukas ng Children’s Village sa ABS-CBN Ball 2018, kung saan nabigyan ng atensyon ang problema sa child abuse at nakalikom din ng donasyon. Ito at ang iba pang suportang natanggap ng Bantay Bata 163 mula sa mga indibidwal at organisasyon tulad ng Quezon City local government sa pamumuno nina Mayor Herbert Bautista at Vice Mayor Joy Belmonte ang ipinantutustos sa Children’s Village.

Muling nagpasalamat ang Bantay Bata 163 program director na si Jing Castañeda-Velasco sa pakikiisa ng mga artista sa kanilang adbokasiya sa kabila ng kanilang mga trabaho. 

“Lubos kaming nagpapasalamat na makatulong sila sa aming adhikain na maayos ang buhay at masuportahan ang mga pangarap ng mga susunod na henerasyon,” sabi ni Ms. Jing.

Sa mga nais mag-donate, volunteer, o makilahok sa mga aktibidad ng Bantay Bata 163, tumawag lang sa 1-6-3 hotline, pumunta sa www.abs-cbnfoundation.com o maghulog sa mga Bantay Bata 163 can.   

vuukle comment

PIOLO PASCUAL

STAR MAGIC ARTIST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with