^

PSN Showbiz

Papa Manny at Sen. Cynthia namigay ng brand new house! Lolit Solis

TAKE IT TAKE IT! - Pilipino Star Ngayon
Papa Manny at Sen. Cynthia  namigay ng brand new house!   Lolit Solis
Manny

Bongga, courtesy ng Villar family ang brand new house and lot na ibinigay ng Eat Bulaga sa lucky contestant ng Juan for All, All for Juan noong Sabado.

Bukod sa bagong bahay, win din ng mga appliance at furniture mula sa All Homes ang mapalad na babae. Ang mga Villar din ang may-ari ng All Homes na maraming branches at mura ang presyo ng lahat ng mga produkto.

Iba talaga ang pamilya nina Papa Manny at Senator Cynthia Villar dahil basta makakatulong sa kapwa, bukas na bukas ang palad nila at napakadali sa kanila ang mamigay ng mga bahay kaya pinagpapala talaga sila.

Back to Holy Rosary Crusade maraming nadiskubre

Happy ako dahil naging part ako ng Back to Holy Rosary crusade na project nina Bishop Soc Villegas at Manay Marichu Vera Perez Maceda dahil successful at ang marami kaming na-discover.

Imagine, si Bossing Vic Sotto, hindi umaalis ng bahay na hindi dala ang kanyang favorite rosary at Marian devotee pala ang marami sa mga artista gaya nina Joey de Leon, Dingdong Dantes at Bayani Agbayani.

Ang dami pala sa mga artista ang lumalapit at nagdarasal kay Mama Mary.

Si former Senator Jinggoy Estrada, walang mintis ang pagsisimba sa Baclaran Church tuwing Miyerkules.

Noong nabubuhay pa si Mang Dolphy, regular din ang pagsisimba niya sa Baclaran na malapit sa dating bahay nila ni Zsa Zsa Padilla sa Marina Bay.

Sa buhay natin, mahalaga ang faith, ang pananalig, ang tangi na nagmamahal sa ating ng walang kundisyon, si Papa God.

Hindi man Niya ibigay agad ang ating mga hinihingi, sa tamang panahon, sure ako na ibibigay Niya.

Si AiAi delas Alas na akala mo hindi seryoso, laging si Blessed Virgin Mary ang takbuhan niya, may problema man siya o wala.

Faith is to believe in what we don’t see and the reward of that faith is to see what we believe for God is always good.

Mother Lily noon pa hinahanda ang party kay Bong

Dahil nakalaya na si Bong Revilla, Jr., puwede ko nang i-reveal na matagal na ang plano ni Mother Lily Monteverde na maghahanda ito ng malaking party kapag nakalabas si Bong mula sa mahigit na apat na taon na pagkakakulong.

Dalawang buwan bago maabsuwelto si Bong noong Biyernes, sinasabi na ni Mother sa akin ang balak niya na big party, kahit hindi pa lumalabas ang desisyon ng Sandiganbayan First Division.

Buo kasi ang paniniwala ni Mother na mapapawalang-sala si Bong dahil sa testimonya noon ni Marina Sula, isa sa mga witness sa pork barrel scam na ibinibintang sa dating senador.

Shocked ang prosecution sa testimonya ni Sula noong June 2018 dahil binawi niya ang naunang pahayag.

As expected, kabilang si Mother sa mga tuwang-tuwa nang malaman niya ang not guilty verdict ng Sandiganbayan kay Bong.

Busy person din si Mother pero may time siya na dumalaw kay Bong noong nakakulong pa ito sa PNP Custodial Center.

I’m sure, ang Valencia Events Place ang venue ng party ni Mother para kay Bong. Hindi pa nakikita ni Bong ang Valencia Events Place dahil nakakulong na siya nang mag-decide si Mother na i-convert sa isang events place ang mansion niya sa Valencia Street na katapat na katapat ng Vera Perez mansion at Sampaguita Pictures  Studios.

vuukle comment

EAT BULAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with