Joshlia
Joshlia, sa kanya-kanyang pamilya sa pasko
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - December 10, 2018 - 12:00am

Mas kapana-panabik na ang mga eksena sa teleseryeng Ngayon at Kailanman na pinagbibidahan nina Julia Barretto at Joshua Garcia.

Ayon sa aktres ay talagang kaabang-abang na mula mamayang gabi ang bawat tagpo sa kanilang programa. “May makukulong, may mamamatay, may magbabago ang buhay, may magbabayad sa mga kasalanan. Feeling ko sunud-sunod na ang pasabog at feeling ko ito na ang pinakahihintay ng viewers,” pagbabahagi ni Julia.

Nalalapit na kaya ang pagpapakasal ng mga karakter ng JoshLia na sina Eva at Ino? “Gusto ko na rin nga eh. Pero siyempre kailangan ano muna, forbidden love kasi kami ngayon ni Ino eh,” giit ng dalaga.

Samantala, ngayong kapaskuhan ay hindi muna raw magbabakasyon sa ibang bansa sina Julia at Joshua. Para sa aktres ay mas masaya kung makakasama nilang magdiwang ang kanya-kanyang pamilya. “This year we chose to spend it with our families, and of course si Josh siyempre he has to spend the holidays with his family. Siyempre baka ikatampo naman nila di ba? So I’ll be away, Joshua will be in his hometown pero we are celebrating muna,” pagdedetalye ni Julia.

JC nami-miss na si Bela, iniisip kung bibigyan ng regalo

Masayang-masaya si JC Santos dahil makakasama ang buong pamilya ngayong kapaskuhan sa bagong bahay ng aktor sa Pampanga. Ngayon lamang mararanasan ng binata na magkaroon ng sariling bahay dahil na rin sa kanyang pagsisikap para sa pamilya. “I’m going to go back to Pampanga to spend Christmas. Kasi nagpagawa na ako ng bahay nang sarili ko. So pwede na akong mag-Christmas doon,” nakangiting bungad ni JC.

Bihira lamang makasama ng aktor ang pamilya kaya sobrang espesyal ng taong ito para sa kanila na magdiriwang ng Pasko na magkakasama sa bagong bahay. Ayon pa kay JC ay ang bagong bahay ang nagsisilbi niyang inspirasyon sa ngayon upang pagbutihin pa ang lahat ng trabahong kanyang ginagawa. “Para kasi laging hindi kami magkakasama eh. So this time gusto ko mag-set ng something really special with them. Itong pinagawa kong bahay ngayon so far ‘yung inspiration ko. Kasi first time ko magkaroon ng sariling address. Hindi na ako pakalat-kalat as a person, excited ako sa mga mangyayari, like first Christmas na mag-stay kami. Plano ko ngang tumira do’n eventually,” pahayag ni JC.

Samantala, dalawa sa pinakamalapit na mga kaibigan ang bibigyan ng regalo ng aktor para sa Pasko. “Gusto kong bigyan ng isa pang relo si Wacky Kiray, wala eh, favorite ko ‘yon eh. And hindi ko pa alam, baka may gift ako kay Bela (Padilla). Hindi ko pa siya nakikita, eh miss ko na siya eh,” pagtatapos ni JC.

JOSHUA GARCIA JULIA BARRETTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with