Katarina nganga sa Miss World!
Katarina

Katarina nganga sa Miss World!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - December 10, 2018 - 12:00am

Ngangey ang kandidata nating si Katarina Rodriguez sa Miss World 2018 na ginanap sa Sanya, China nung nakaraang Sabado December 8.

Nakakapanlumo dahil hindi man lang siya nakapasok sa top 30.

Hindi siya nakapasok sa fast track na kung saan hanggang top 32 lamang siya sa Top Model Competition.

Ang Miss Japan ang umariba sa Talent Competition, at hindi naman naramdaman dito si Katarina, pati sa Sports Competition na napanalunan naman ng Miss USA.

Si Miss Nepal naman ang nanguna sa Multimedia Challenge.

Sa Beauty with A Purpose ay hindi rin napansin ang kandidata natin na kung saan umabante rito ang mga kandidata ng Nepal, Indonesia, New Zealand, Mexico at Vietnam.

Ang ending, tinanghal na Miss World si Va­nessa Ponce de Leon ng Mexico at first runner-up si Miss Thailand.

So, hanggang Miss Intercontinental lang talaga ang ganda ni Katarina na kung saan nag-first runner-up siya sa kumpetisyong iyun nung nakaraang taon.

Ang inaabangan na­man ngayon ay si Ca­trio­na Gray na lalaban sa Miss Universe 2018 na gaganapin sa Thailand sa darating na December 17.

Bato gustong ipakita sa pelikula ang pinagdaanang kahirapan

Si Robin Padilla ang tanging nabanggit ng da­ting PNP Chief Gen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa na gusto niyang gumanap kung sakaling isa­sapelikula ang kuwento ng buhay niya.

Napag-alamang binubuo na pala ang proyektong ito na ang magdidirek daw ay si direk Adolf Alix.

Nakipag-usap na si direk Adolf sa ilang production staff para simulan na raw ang pelikulang ito.

Si Robin na nga raw ang gaganap na ang sabi isa raw siya sa mga producer.

Nung nakatsikahan namin si Gen. Bato dela Rosa, ang gusto raw sana niyang ibahagi ang kuwento ng buhay niya ay nung kabataan niya na kung saan dumaan daw siya sa matinding kahirapan.

Nag-aaral daw siya noon na walang baon at nilalakad lang daw niya papasok ng school.

Nakakain lang daw siya ng baon ng ibang classmates dahil tumutulong siya sa mga assignments nila.

“Kaya gusto kong gawin itong inspirational na kapupulutan ng aral.

“Mas gusto ko kasi ma-inspire ang mga tao, lalo na ang mga kabataan na kahit ga­ling ka sa mahirap, you could be somebody,” pahayag ni Gen. dela Rosa.

Kaibigan daw niya si Robin kaya gusto sana niyang ang naturang aktor ang gumanap.

Kung puwede raw si Sharon Cuneta, gusto niyang ito ang gumanap bilang misis niya. Tiyak daw na matutuwa ang asawa niya kung si Sharon ang gaganap dahil avid fan daw ito ng megastar.

Kung matutuloy itong proyektong ididirek ni direk Adolf Alix, kailangan tapusin nila agad para hindi umabot sa campaign period ng Mid-term Elections 2019.

Pagpapakita ng bra at panty ni Katrina ‘di umepekto

Hanggang December 14 na lang nga ang Pamilya Roces at sabi ni direk Joel Lamangan, 10 weeks lang daw talaga ang kasunduan nila sa drama series na ito,

“Naka-design talaga siya ng 10 weeks. Kapag sa 10 weeks, hindi nag-rate, tapusin na,” nakangiting pahayag ni direk Joel.

Ngayon lang naman daw lumakas ang katapat na Halik na dati naman daw natatalo ng Inday Will Always Love You.

Nung pumasok daw ang Pamilya Roces, tumindi na ang kuwento ng katapat na tele­serye kaya nahirapan na silang ta­lunin ito.

Kaya ano ngayon ang aaba­ngan sa pagtatapos ng Pamilya Roces?

“Naku! Lahat sila ibi­bitay!”  natatawang kuwento ni direk Joel Lama­ngan.

Masaya naman daw siya rito sa Pamilya Roces dahil nakitaan daw niya ng galing ang mga artistang ngayon lang niya nakatrabaho.

Dito raw niya nakita na ma­ga­ling palang umarte si Sophie Albert.

Wala raw itong pakialam, kahit anong ipagawa sa kanya. Hindi raw nagre­reklamo.

Isa pang sobrang bilib siya ay si Katrina Halili na huli na lang ipinasok sa kuwento.

“Ang husay-husay ni Katrina.

“She’s a good actress. Alam mo yung walang ere. Wala!” bulalas ni direk Joel nang nakausap ito ng PEP Troika kamakalawa ng hapon sa story conference ng pelikula niyang Burak ng BG Films.

“Kahit anong ipagawa mo… kaila­ngang mag­hubad-hubad ka rito! Laba­nan natin yung kabila! Ipakita natin ang panty at bra! ‘Okay direk,’ sabi niya.

“Ipinakita niya ang panty at bra niya. Hubad-hubad siya. Wala siyang eklay! Ginawa niya kahit ano, napakahusay niya,” puri ni direk Joel kay Katrina.

KATARINA RODRIGUEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with