Mother Lily
Mother Lily bibigyan ng party si Bong
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - December 8, 2018 - 12:00am

Maganda at masaya ang balita sa buong pamilya ng dating Sen. Bong Revilla  sa desisyon ng Sandiganbayan na ‘not guilty’ ang dating senador sa kasong plunder na isinampa laban sa kanya.

As of this writing, nasa loob pa ng Camp Crame si Sen. Bong at inaayos na ang mga gamit niya. Hinihintay na rin ang release order, dahil inaasahan nilang makakalabas na kinahapunan.

Kaya masaya ang lahat, lalo na ang mga taga-showbiz na karamihan ay nagmamahal kay Sen. Bong at nami-miss na ang paggawa niya ng pelikula.

Paglabas nga namin ng Sandiganbayan kasama si Manay Lolit Solis, tumawag sa akin si Mother Lily Monteverde na masayang-masaya sa ibinabang desisyon.

Nasa hospital lang si Mother Lily at nagpapa-CT scan kaya hindi siya nakasama sa Sandiganbayan.

Matagal na raw kasing naka-schedule iyun at hindi na niya puwedeng ipagpaliban.

Nagmu-monitor na lang siya sa TV. Gusto raw niyang maghanda ng malaking party para kay Sen. Bong.

“Siyempre, mahal na mahal ko si Bong. Siya ang pinaka-love ko kaya magpa-party talaga ako sa kanya,” pakli ni Mother Lily na nagpapahinga pa sa hospital nang makausap ko.

At nagpadala agad siya ng mensahe through text na sana makarating daw ito kay Sen. Bong.

 As of presstime, wala pang official statement si Sen. Bong kaugnay sa pagkaabsuwelto sa kanya.

Sandaling nakausap lang namin si Mayor Lani Mercado at ramdam naming nakahinga na siya nang maluwag, at makakabawi na raw sila ng tulog.

“God is good. All our prayers have worked. Salamat sa mga suporta, lalo na sa mga abugado namin, lahat na supporters and family members, maraming salamat din. Kasi without family support, mahirap po yung pinagdaanan po ng pamilya,” pahayag ni Mayor Lani.

Touching naman ang mensahe ni Vice Governor Jolo Revilla na ipinost sa kanyang Instagram account, kasama si Sen. Bong.

Sabi niya; “Uuwi na kami ni Papa! Kumpleto na ulit ang pamilya namin sa ­aming bahay. Maraming-maraming salamat sa lahat ng nagdasal para sa kanyang paglaya. The truth will always prevail!!”

Tumulong din siyang mag-ayos ng mga gamit ng Papa niya at ipinost din niya ang pagligpit ni Sen. Bong ng mga santo na lagi niyang dinadasalan.

Tirso balik-trabaho na

Kita namin sa mga mata ni Tirso Cruz III ang lungkot nang humarap ito sa mediacon ng pelikulang Jack Em Popoy The Puliscredibles na ginanap sa Cities Events Place  kamakalawa ng hapon.

Hindi kasi siya dumalo sa presscon ng isa pa niyang MMFF entry na Rainbow’s Sunset, pero sa Jack Em Popoy ay keri na niya siguro kaya sabi nga niya nang kinumusta siya, “The show must go on.”

Kahit naintindihan naman daw ng mga tao ang pinagdaanan nila ngayon dahil sa pagpanaw ng panganay niyang anak na si TJ Cruz, kailangang ihiwalay daw niya ang personal na pinagdaanan niya sa trabaho.

BONG REVILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with