Luis at Jessy
Luis gustong manugod ng basher ni Jessy!
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - December 7, 2018 - 12:00am

Iba rin talaga ang pagmamahal ni Luis Manzano sa girlfriend na si Jessy Mendiola.

Kahapon ay si Luis ang naghamon sa isang basher ng girlfriend: “wag nagmamarunong kung walang alam sa lahat ng pangyayari, panindigan mo naman mga sinasabi mo, DM mo ako details mo promise bibigyan kita ng chance sabihin lahat yan harap harapan,” sagot ni Luis sa isang follower na inaakusang manggagamit si Jessy matapos nga nitong ungkatin ang naging karanasan niya kay Enrique Gil nang magkasabay sila sa eroplano at nalasing ang aktor sa ginanap na presscon ng MMFF movie niyang The Girl in the Orange Dress.

“Waiting sa DM ha, promise, di ko ilalabas details mo pero ako mismo pupunta.

“Sent u a DM, details please.

“May lakad pa ako now, details please saan ka pwede puntahan,” ang reply ni Luis sa bintang sa GF.

Suwerte ni Jessy na katulad ni Luis ang boyfriend niya na all out talaga ang pagmamahal sa kanya.

Kaya lang sabi ng actress, mga three years pa bago sila pakasal ng mahusay ng TV host/comedian.

Nauna nang sinabi ni Rep. Vilma Santos na gustung-gusto na niyang magkaapo.

JESSY MENDIOLA LUIS MANZANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with