Mother Lily & Kim
Kim papaampon na kay Mother Lily
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - December 7, 2018 - 12:00am

Alam n’yo ba na kapag nakikita si Kim Chiu ni Mother Lily Monteverde lagi nitong sinasabi na gusto niyang ampunin ang bida ng One Great Love, ang official entry ng Regal Entertainment Inc. sa Metro Manila Film Festival 2018.

Willing naman daw si Kim na magpaampon kay Mother at papasa sila na magkamag-anak dahil parehong Filipino-Chinese ang dalawa.

Happy siyempre si Mother dahil hindi sila nagkamali ng kanyang anak na si Roselle na ipagkatiwala kay Kim ang pagbibida sa One Great Love.

Positive ang mga feedback sa acting na ipinamalas ni Kim na ready na sa mga mature at daring role.

Tuwang-tuwa sina Mother at Roselle kay Kim dahil walang angal na ginawa nito ang lahat ng mga eksena na kailangan sa kuwento ng pelikula kasama sina Dennis Trillo at JC De Vera.

Gustung-gusto ni Kim ang role niya sa One Great Love at ang plot ng pelikula kaya nakialam siya sa pagpili ng theme song.

Sa last shooting day ng One Great Love, ginulat ni Kim ang production staff dahil nagpa-cater siya ng mga pagkain. Love na love si Kim ng production crew ng Regal Entertainment kaya hoping sila na makatrabaho muli ang aktres.

Basketball Players habulin ng mga babae

Siguro nga tulad ng politics at showbiz, ang laki rin ng influence ng sports sa society. Nakita ko ang passion ng De La Salle Green Archers, UP Fighting Maroons at Ate­neo Blue Eagles basketball team, at iyong pagmamahal ng publiko sa Gilas Pilipinas.

Ito ang dahilan kung bakit kadalasan, ang ilang mga babae ay gusto rin ma-link sa mga basketball star. Minsan nga, kahit married na ang mga player ay habulin pa rin sila ng chicks.

Aside from nadaragdagan nang charms at appeal mo pag sikat ka, in fairness, mga pogi naman karamihan ng mga player natin, lalo na iyong mga nasa collegiate pa, young and appealing kaya deadly sa college girls.

Hindi na ako nagtataka kung bakit crush ng bayan sina Terrence Romeo, Mark Pingris at nun panahon ni Nap Gutierrez ay agawan sila ni Kris Aquino kay Alvin Patrimonio. Hahaha, joke lang.

Saka isang experience ko sa kanila, magagalang ang mga basketball star tulad ng Teng brothers na walang yabang sa katawan. At may guguwapo pa ba sa Paras brothers na talagang mga heartthrob?

Vic at Maine nag-time out sa EB

Absent kahapon sina Vic Sotto at Maine Mendoza sa Eat Bulaga dahil may taping sila para sa Daddy’s Gurl.

Nag-time out lang sina Bossing at Maine sa taping ng sitcom nila dahil dumalo sila sa grand presscon kahapon ng Jack Em Popoy: The Puliscredibles, ang pelikula nila na kasali rin sa Metro Manila Film Festival.

Co-star nina Maine at Bossing sa Jack Em Popoy si Coco Martin na fresh from Canada dahil ang cast ng FPJ’s Ang Probinsyano ang invited performers sa Kapamilya Fiesta World ng The Filipino Channel sa Vancouver.

Lea bilib kay Nora

Naniniwala raw si Lea Salonga na ipagkakaloob kay Nora Aunor ang National Artist award sa tamang panahon.

Agree rin kay Lea si Ryan Cayabyab na kabilang sa mga kinilala bilang National Artist noong October 2018.

Sa pagkakaalam ni Ryan, nalampasan na ni Nora ang pro­seso ng pagpili sa pagiging National Artist.

Napag-usapan sa launch ng Bahaghari ang dalawang beses nang nauudlot na pagdedeklara kay Nora Aunor bilang National Artist dahil kay Ryan na tinanggap ang naturang parangal, dalawang buwan na ang nakalilipas.

KIM CHIU MOTHER LILY MONTEVERDE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with