Arnel
Arnel Pineda gagawin ang buhay ala-Bohemian Rhapsody!
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - December 7, 2018 - 12:00am

Nakakatuwa ang balitang ibinahagi ng mga kaibigan namin sa Amerika na magkakaroon pala ng collaboration ang Warner Bros. at Crazy Rich Asians director na si Jon M. Chu na isasapelikula ang kuwento ng buhay ng Journey lead singer na si Arnel Pineda.

Bahagi ng news na si Mike Flemming Jr.; “Discovered on YouTube by Journey co-founder Neal Schon, who’d finally found the rare singer able to reliably replicate the soaring vocals of exited original lead singer Steve Perry, Pineda revived Journey and put the band back in stadiums once again.”

Binubuo pa lang ang script at ang magkakaroon ng audition kung sino ang gaganap bilang si Arnel Pineda.

Na-inspire daw sila sa success ng Crazy Rich Asians at ang paglalahad din ng talambuhay ni Freddie Mercury ng Queen sa box-office movie na Bohemian Rhapsody.

Sabi raw ni Jon Chu nakaka-inspire ang kuwento ng real life rock ‘n’ roll fairy tale ni Arnel Pineda, ““The success of Crazy Rich Asians has blown my mind and set me on a path to champion more unique inspirational stories that represent new perspectives from all around the world.”

Ipinarating sa akin ng isang kaibigang naka-base sa New York na pinag-uusapan na raw ng mga kababayan natin doon kung sino ang bagay na guma­nap bilang si Arnel Pineda.

Agree ang karamihan na swak na swak ito kay Mark Bautista.

Sana magkakaroon daw ng audition dito sa Pilipinas at mas bongga raw kung si Mark ang mapili.

Ngayon pa lang, mag-practice na raw si Mark.

Bagong studio ng Bulaga, ‘bibinyagan’ ni Coco?!

Matindi na ang paghahanda ng Eat Bulaga sa bonggang pasabog nila sa bagong studio nila sa Marcos Highway sa Cainta, Rizal.

Pag-aari na ng APT Entertainment ang buong building at ginawa na nila itong studio para sa Eat Bulaga.

Meron pa raw ibang studio roon na puwedeng i-rent para sa taping o pictorial shoot.

Nakatsikahan ko si Alden Richards sa foundation day ng Palayan City sa Nueva Ecija kahapon ng madaling araw, matindi nga raw ang paghahanda nila sa bago nilang studio.

Bukas na sila roon magsisimula kaya malaking show ito para sa longest-running noontime-variety show.

Opening number pa lang daw ay matindi na kaya buong araw daw silang magri-rehearse ngayon.

Ayon kay Alden, hindi siya nakasama sa dry run noon ng EB Dabarkads kaya hindi pa raw niya nakita ang kanilang bagong studio.

Malamang may bonggang pasabog din ang MMFF entry nilang Jack Em Popoy, Da Puliscredibles bukas.

Sana ka-join na diyan si Coco Martin para isa siya sa magpapasinaya sa bagong studio ng Eat Bulaga.

Beauty queen/actress ‘di naluluma ang mga pang-ookray

Winner pa rin talaga sa mga one-liner itong si beauty queen/actress na hanggang ngayon ay ‘di sila chummy-chummy ng isa ring magaling na aktres pero hindi na gaanong active sa ngayon.

Medyo malusog na kasi si magaling na actress, pero kung gumawa ng pelikula bongga naman.

Hindi naman magkaaway ang dalawang aktres na ito pero likas silang mataray.

Prangka sumagot si magaling at medyo malusog na aktres, pero iba kung humirit si beauty-queen actress.

Minsan ay nagkasalubong sila sa isang malaking event, nagkabati naman sila. Super smile na nag-hello si magaling na aktres kay beauty-queen actress na sinagot naman ng huli.

Nag-comment ang kasama ni beauty queen actress na mabait naman pala itong si magaling at medyo malusog na aktres.

Bonggang hirit ni beauty-queen actress; “Lahat na mataba, mabait.”

Isa lamang yan sa mga mataray na one-liner ni beauty-queen actress na kung medyo slow ka, maa-outwit ka niya.

ARNEL PINEDA
Philstar
  • Latest
Latest