Actress wagas ang pa-throwback para sa pelikula
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - December 7, 2018 - 12:00am

Parang karneng tinitilad-tilad ngayon sa social media at sa maraming umpukan sa showbiz ang isang magandang female personality na ayon sa mas nakararami ay parang robot na sinusian sa sobrang kadaldalan.

?Matagal na nanahimik ang babaeng personalidad. Puro pa-cute lang ang laman ng kanyang mga social media accounts tungkol sa relasyon nila ng isang pamosong male personality.

?Pero bigla siyang naging madaldal. Parang sinusian ang kanyang tagiliran sa pagkukuwento ng mga pinagdaanan niyang karanasan na ngayon lang niya ibinubuhos dahil meron siyang proyekto.

?Kuwento ng aming source, “Nakow, nakakaawa naman ang girl na ‘yun, talagang pinakakain siya ng ampalaya ngayon sa social media. Iba-ibang kampo ang nagagalit sa kanya!

?“Sumisigaw ang mga grupong ‘yun sa pagiging user niya! Napakatagal niyang tumahimik, wala naman siyang inirereklamong kahit ano, tapos ngayon, e, akala mo siyang ipinaglihi sa kuwan ng baboy sa kadaldalan!” inis na inis na komento ng aming impormante.

?Mahusay raw sa timing ang female personality. Alam niya kung kailan siya tatahimik at kung kailan siya bubuga nang bubuga.

?“Para sa personal niyang interest, e, hayan siya ngayon, isa-isa niyang binubuklat ang kahapon. Sa tagal na ‘yun, e, hindi pa rin pala siya nakakapag-move-on sa mga nakaraan niyang karanasan?

?“Anong tinanong lang naman siya? Kapag tinanong kaba, agad-agad, e, para ka nang gripo na walang saraduhan sa kadadaldal mo? Ginagamit niya ang mga taong sangkot sa kuwento niya dahil kailangan niya ng publicity ngayon!

?“Pati ba naman ang isang experience na ni hindi nga niya sinagot nu’ng fresh pa ang issue, ginagamit niya ngayon. Di ba naman, straight na panggagamit ‘yun sa sikat na male personality?

?“At kumusta naman ang ex niya na maayos at nakabalik na sa work ngayon. Tama bang magsalita pa rin siya tungkol sa past nila, samantalang puwede niya namang iniwasan na lang ‘yun?

?“Naku, magtaas na lang siya ng kanang kamao niya habang nakabandana ng pula sa isang kalyeng palaging istambayan ng mga aktibista! Du’n siya nababagay, du’n siya magsisigaw nang magsisigaw!” madiing pagtatapos ng aming source.

?Ubos!

Sharon hindi mabilang ang mga nabiling lupain

Naglulunoy sa kayamanan si Sharon Cuneta. Ang mga ipinatayo pa lang niyang mga gusali hindi lang sa Pasay City ay sapat nang ikabuhay ng kanyang pamilya nang maraming dekada.

?Kumikita lahat ng mga building na ‘yun, pinauupahan ng Megastar, paano pa ang mga ekta-ektaryang lupain na unti-unti niyang ipinundar nu’ng pataas na nang pataas ang kanyang popularidad?

?Sa isang panayam namin sa pumanaw niyang dakilang ama ay sinabi ni Mayor Pablo Cuneta, “Marunong sa kinikita niya si Sharon. Inuuna niya ang pagpupundar, hindi siya waldas sa pera.

?“Alahas lang naman ang hilig niya, nireregaluhan naman namin siya ng mommy niya, kaya wala na siyang pagkakagastusan. Nabibingi na nga siya sa mga kuwento ko na nanggaling ako sa wala. Nagsipag lang ako at nag-ipon, kaya marami akong nabiling propyedad.

?“’Yun din ang turo namin sa kanya ni Elaine, habang kumikita siya nang malaki, gamitin niya ang pera niya sa investment. Wala siyang katalu-talo du’n,” kuwento ng kanyang mahal na ama.

?Kung ano ang itinuro kay Sharon ng kanyang mga magulang ang ipinapasa niya naman ngayon sa kanyang mga anak. Ang kahalagahan ng salapi. Ang pagpupundar.

?At pinatunayan na ‘yun ni KC nang bumili ng property sa Palawan ang kanyang panganay. Tiis-tiis lang muna ang magandang dalaga sa mga granatsa ng buhay tulad ng mga branded bags, inuna muna nito ang beach house na puwede nitong iparenta o ipaghintay na lang ng mas magandang presyo para maibenta, epektibo ang payo ni Sharon sa kanyang dalaga.

?Sa Laguna, sa Batangas, sa Tagaytay, ang mga propyedad du’n na bakante, ayon sa aming mga nakakausap ay pag-aari ni Sharon Cuneta.

?Nabili lang daw ni Mega ang mga properties na ‘yun sa napakamurang halaga, pero ngayon ay milyunan na ang bentahan, tumubo na nang ilang libong beses si Sharon kung ibebenta niya ngayon ang mga naipundar niya.

SHARON CUNETA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with