Gen. Bato
Gen. Bato
Robin, Sharon at anne napili ni Gen. Bato na gumanap sa pelikula
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - December 6, 2018 - 12:00am

Masayang katsika si Gen. Bato dela Rosa.

Kahapon ay siya naman ang naka-lunch ng ilang entertainment press sa pangunguna ni Nay Lolit Solis.

Siyempre, common knowledge na nag-file siya ng candidacy for senator sa 2019 elections at so far, maganda rin ang lagay ng pangalan niya sa survey.

At dahil wala naman daw siyang masyadong pondo para sa kampanya, motor ang ginagamit niya ngayon sa pag-iikot sa mga probinsiya. Ayon kay Gen. Bato, mas gusto niya ang motorsiklo dahil mas may chance siyang maka-face to face ang maraming tao.

Sigurado nga lang na maingat siya at kumpleto ang gear tuwing sasakay ng   motor biyaheng probinsiya dahil sa rami ng aksidenteng nangyayari na ang karaniwang biktima ay nagmo-motor.

Anyway, tulad ni SAP Bong Go, hindi rin siya affected ng bashers. Feeling niya, mas marami siyang ‘admirers’ kesa bashers.

Nababasa niya ang karamihan sa mga nangba-bash na kahit hindi siya ma-social media.

May mga nagpapadala raw sa kanya ng mga copy ng bashing na pag may chance siya, sinasagot niya talaga.

Isa sa matinding tumanggap siya ng panlilibak sa social media ay nang manood siya ng concert ni Bryan Adams eh may napatay noong Korean sa loob ng Crame.

Game rin siyang isalin sa pelikula ang buhay niya. At ang gusto niyang mag-portray ng character niya, si Robin Padilla.

Eh sino naman ang misis niya “si Sharon Cuneta. Super favorite niya ‘yun. Kung bata-bata naman, si Anne Curtis,” sagot niya.

Pero ang personal favorite actress niya, si Angel Locsin pa rin.

Maraming nagkaka-interes noon pa sa buhay ni General Bato dahil nga sa kakaiba niyang character na matapang at walang preno pero nakakatawa.

So may gusto ba siyang baguhin sa sarili para tantanan siya ng bashers? “Wala akong dapat ayusin sa sarili ko. Kung ano ako, yun na talaga ako,” sagot niya.

Pero kung meron man siyang talagang kinatatakutan, ‘yan ay ang misis niyang si Grace Nancy dela Rosa for 29 years.

Former Philippine National Police Chief  si Gen. Ronald “Bato” aniya ay priority sa mga plano niya na i-reinstate ang death penalty para sa mga drug traffickers  na siyang numero uno niyang ikakampanya.

Nang mag-retire siya sa PNP ay napunta sa Bureau of Corrections and Penology.

BATO DELA ROSA SHARON CUNETA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with