Jericho
Jericho nag-presscon kahit may dengue?!
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - December 6, 2018 - 12:00am

Liza hinihintay mag-react, Jessy kinalkal ang nakaraan nila ni Enrique

Parang hindi yata makakatulong pa kay Jessy Mendiola, at pati sa promo ng Metro Manila Film Festival entry nila ni Jericho Rosales na ungkatin pa ang matagal ng isyu ng airplane incident na kinasangkutan nila ni Enrique Gil.

Ang daming nag-react at lalo tuloy siyang na-bash.

May ilan ngang tumaas ang kilay sa isa sa mga rebelasyon niyang muntik na siyang mag-quit sa showbiz at bumalik na lang sa pag-aaral.

Mabuti at dumating daw itong The Girl in the Orange Dress na maganda ang material, at pumasok pa sa MMFF 2018.

First time ni Jessy na ma-experience ang Metro Manila Film Festival. Kaya malaking bagay ito sa kanya at sa kanyang career.

Malaking bagay ding siya ang leading lady ni Jericho na hit na hit ngayon dahil sa teleserye niyang Halik.

Pero naka-relate rin daw si Echo sa pinagdaanan ni Jessy. Ang isa sa sinasabi niya sa Kapamilya actress kaya hindi siya bumigay at tuluyang mag-quit sa showbiz ay dahil sa malaki ang suweldo.

“And na-realize ko na lang din na I am here to inspire people, and I have to do my thing and be happy with my job,” dagdag na pahayag ni Echo sa presscon ng MMFF entry nilang The Girl in the Orange Dress.

Mabuti at nandiyan daw ang pamilya niya sa Manila Genesis, Inc. at Star Magic kaya naipagpatuloy ang career ay ngayon nga ay bawing-bawi na siya.

Nakakatuwa nga nang nalaman naming inaapoy pala ng lagnat si Echo nang humarap ito sa presscon  kamakalawa lang. Kailangan niyang umapir para sa pelikula nilang pang-MMFF, pero ang nabalitaan nga namin, isinugod daw ang aktor sa hospital pagkatapos ng presscon. Ang isa raw sa duda nila, baka may dengue ito. Pero wala pa kaming kasunod na balita kung nakalabas na siya ng hospital.

Sheena sa 2020 pa gustong pakasal!

Kasali rin pala si Sheena Halili sa The Girl in the Orange Dress, kaya doon na rin sa presscon namin nilinaw sa kanya ang tungkol sa wedding plans nila ng kanyang non-showbiz boyfriend.

Nalaman lang namin ito nang napanood namin sa digital show nina Boobay at Super Tekla nang nag-prank call sila kay Sheena.

Pinaglaruan nila si Sheena na kinukuha ito sa isang raket sa probinsya pero kailangang sumakay siya ng kalabaw sa motorcade.

Pinatulan ni Sheena ang alok dahil 200 thousand ang talent fee niya, pero nagkabukingan din bandang huli at doon nabanggit ng Kapuso actress na imbitado sina Boobay at Tekla sa kanyang kasal. Hindi naman itinago ito ni Sheena.

Nasa plano naman daw nila ngayon pero wala pa raw silang napagkasunduan kung kailan na ba talaga.

Pahayag ni Sheena: “Hindi naman kami nagmamadali. Siya, gusto niya soon, pero ako sabi ko sa kanya, okay lang ba na medyo i-delay lang muna ng konting time kasi gusto ko pa ma-enjoy. Gusto kong makapag-prepare rin ang mga friends ko ng bridal shower, at iba pang details.

“Talagang maghahanap pa ako ng magandang venue ng wedding,” pakli ng Kapuso actress.

Isi-share naman daw nila kung sakaling may date na talaga silang napagkasunduan.

Baka late next year o early 2020 daw nila gagawin ang wedding.

Zsa Zsa balik-ASAP na

Babalik na raw si Zsa Zsa Padilla sa ASAP Natin ‘To sa darating na Linggo.

Nakipag-meeting naman pala ang mga taga-ASAP kay Zsa Zsa para linawin sa kanya na hindi siya tinanggal sa naturang weekly musical show.

On rotation lang daw talaga ang mga performer doon, at naghahanap pa sila ng magandang segment na babagay kay Zsa Zsa.

Pero umalis pala muna ng Cebu ang singer/actress para sa isang special training on farming.

Pero sa Linggo ay muli siyang mapapanood, at sana tuluy-tuloy na ‘yan.

Tingnan din natin kung ano naman ang pasabog ng Sunday Pinasaya ngayong kumpleto na ang buong cast dahil nakabalik na pala si Alden Ri­chards pagkatapos niyang mag-leave.

May mga segment na kayang pagsasamahan nila ni Julie Anne San Jose?

In fairness din naman kasi sa karamihang fans ng AlDub, mabait sila kay Julie Anne at hindi na siya nakakaranas ng bashing.

JERICHO ROSALES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with