Jessy at Luis
Muntik bumigay sa bashers, Jessy nag-isip bumalik sa eskuwelahan
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - December 5, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Muntik na muntik nang talikuran ni Jessy Mendiola ang showbiz.

Ito ang inamin niya kahapon sa grand presscon ng kanyang MMFF official entry na The Girl in Orange Dress.

Naging suki ng bashing si Jessy as in lahat ng galaw niya, tinututukan  kaya talagang nag-plano na lang siyang mag-aral na lang. Bukod pa ‘yun sa nakatanggap siya ng fat memo sa management ng ABS-CBN na nagbigay sa kanya ng depression. At bago pa yan ay na­ging issue na ang ‘harassment’ umano sa kanya ni Enrique Gil sa eroplano na hindi raw sa kanya nag-sorry.

Aminado naman siya na after nga niyang tangha­ling FHM’s Sexiest Woman noong 2016 naapektuhan siya ng sobra sa pamimintas ng korte ng katawan niya.

Kaya naman kinarir na niya ang pagpapa-sexy. Nag-work out siya nang nag-work out hanggang dumating ang offer ng pelikulang The Girl in Orange Dress na ang ganda ng trailer ha.

Aside for The Girl in Orange Dress, siyempre, hindi siya iniwan ng boyfriend na si Luis Manzano na nangakong sasamahan siya ‘every step of the way.’ “Happy birthday to the young lady whose smile never fails to melt me :) may you have your best year ahead as i am truly excited for what is in store for you, rest assured i’ll be with you every step of the way ;) i how you!! :),” pagbati ni Luis sa birthday ng kanyang Howhow kahapon.

Anyway, ang cute ng role ni Jessy sa nasabing pelikula na girl na naka-orange dress na naka-one night stand ng isang superstar na ginampanan ni Jericho Rosales.

JESSY MENDIOLA LUIS MANZANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with