Government vehicle ng actor-politician na ex ng maraming artista, winasak ng live in partner sa gate ng kanyang kabit
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - December 5, 2018 - 12:00am

Maaksiyon ang kuwentong ito kahit pa hindi naman action star ang sangkot sa mainit na pinag-uusapang issue tungkol sa kanya. Sunog na sunog ang kilalang male personality sa pagbubulungan ng kanyang mga katrabaho dahil sa kontrobersiya.

?Ganito kuno ang kuwento. Nabuking ng ka-live-in ng isang actor-politician ang milagrong ginagawa niya. Meron siyang escabeche, natunugan ng kanyang ka-live-in ang milagro, kaya nagkaroon ng maaksiyong eksena.

?Kuwento ng aming source, “Alam ng girl kung saan nakatira ang third party sa relasyon nila ng actor-politician. Minaneho ng girl ang kotse ng actor-politician, saka ibinangga sa gate mismo ng bahay ng escabeche niya!

?“Talagang wasak ang unahan ng kotse na nakapangalan sa actor-politician, in-issue sa kanya ng munisipyo, kaya malaking problema ‘yun ngayon dahil siya ang pinagbabayad ng city hall sa malaking damage ng car!” umpisang kuwento ng aming impormante.

?Marami nang nakarelasyong artista ang actor-politician na ito. May anak pa nga siya sa isang kilalang aktres. Naging karelasyon din niya ang isang aktres na mortal na kalaban na itinuturing ng kanyang nakahiwalay na misis.

?“At meron din siyang naging girlfriend na magaling na singer, di ba? Nagtagal din ang relasyon nila, hanggang sa magkakilala na nga sila ng kasalukuyan niyang ka-live-in.

?“Hindi pa natatagalang nanganganak ang girl, pero nalaman agad niya na meron palang ibang babae ang actor-politician. Natural, nag-research ang girl, kinumpirma muna niya ang kuwento tungkol sa live-in partner niya.

?“Nu’ng kumpirmado na niya kung sino ang bagong girl ng ka-live-in niya, ayun, minaneho niya ang kotseng ginagamit ng actor-politician at wagas na wagas niyang ibinangga sa gate ng house ng escabeche!

?“Siyempre, dahil nakalagay sa name ng actor-politician ang sasakyan, siya ang mananagot du’n, siya ang kailangang magpagawa ng car, siya ang sinisingil ng city hall,” madiing kuwento uli ng aming source.

?Sisimple-simple lang ang male personality, pero meron pala siyang ginagawang milagro, hindi man lang siya dumumi sa ibang lugar dahil magkalapit lang halos ang bahay ng kanyang bagong girl at ang bahay nila ng kanyang ka-live-in.

?Ubos!

Parang nangyari kay Paul, Barbie dawit sa sagad na paninira kina JM and Rhian

Sobra na ang ginagawang pang-aalipusta ng mga tagasuporta nina JM de Guzman at Barbie Imperial kay Rhian Ramos. Ang tanging kasalanan lang naman ng magandang aktres ay ang tanggapin ang pelikulang sila ni JM ang magkapareha.

?Hanggang du’n lang. Gina­gampanan lang nila ang hinihingi ng istorya. Pero wala silang relasyon. Hanggang pagiging magka-partner lang sa proyekto ang namamagitan sa kanila.

?Pero iba ang lumabas. Inuupakan din ngayon si JM dahil niloloko raw niya si Barbie. Harap-harapang panloloko na raw ang ginagawa ng magaling na aktor sa kanyang girlfriend.

?At si Rhian Ramos ang sobrang napupuruhan dahil kung anu-anong masasakit na salita ang ipinakakain nila sa aktres. At dumating pa ‘yun sa puntong may nag-post ng dating pinagpistahang sex video nila ng kanyang dating karelasyong si DJ Mo Twister.

?Umabot na sa ganu’ng sukdulan ang mga nagaganap ngayon. Nakasulong na si Rhian mula sa napakasaklap na senaryong ‘yun at kahit si Mo Twister ay hindi matutuwa sa nangyari.

?Ngayon ay naiintindihan na namin kung bakit humulagpos ang mahabang pisi ng pasensiya ni JM. Sinagot niya ang sobrang masasakit na bintang na ibinabato sa kanya ng mga taong nagpapalala sa pakikipagtambal lang naman niya kay Rhian.

?Hindi magandang senyales ito. Nakakatakot palang makarelasyon si Barbie Imperial. Una ay si Paul Salas. Nagulo rin ang buhay ng young actor nang dahil sa magandang young actress.

?Kung anu-anong bintang ang napala ni Paul, ngayon naman ay si JM, hindi pala maa­yos na makarelasyon si Barbie dahil masalimuot ang kinauuwian nu’n para sa mga lalaking nagmamahal sa kanya.

?Katakot!

JM DE GUZMAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with